Chapter 19: In sickness and in Health

5K 61 15
                                    

My Right King of Wrong

Chapter 19: In sickness and in Health

“Kuya bumangon ka na!” masama na ang iniyugyog ni Ken sa kapatid pero hindi parin ito nabangon.

“hmmm.. later” mahinang sagot nito. Napansin ni Ken namaputla si Gerald, hinawakan niya ito sa noo para tingnanan kung may sakit ba ito.

“Kuya, ang taas ng lagnat mo! should I bring you to the hospital?” nag-aalalang tanong ni Ken pero walang sagot si Gerald. Palabas na nang kwarto si Ken para kumuha ng pagkain at gamot para sa kapatd nang marinig niyang magring ang phone ni Gerald.

Tumingin siya sa kuya niya na bumalik sa tulog. Agad niyang sinagot ito para hindi na magising ang kuya. Laking gulat niya nang makita niya kung sino ang natawag- Baby Girl.

“Hello” sabi niya.

“He- wait Ken?” agad nakilala ni Sarah kung sino ang boses sa kabilang linya.

“Opo, ate Sarah” sabi ni Ken na medyo natatawa.

“B-bakit ikaw sumagot? Nasan si Ge?” tanong ni Sarah.

“Ah, eh ate Sarah may sakit kasi si Kuya eh, ang taas ng lagnat eh”

“Ano? May katulong ka bas a pag-aalaga sa kanya?” tanong ni Sarah.

“Hehehe, wala pa ate eh, bukas pa kasi dating ni mommy galing Gen. San. Ang problem ko ngayon eh paano si Kuya mamaya, meron kasi akong school eh.” Sabi ni Ken

“hanggang anong oras ka ba sa school mo?”

“eleven to six kasi class ko ngayon ate eh. Why?”

“I can drop by if okay lang sayo. Rest day ko naman ngayon eh”

“Ok lang sakin ate Sarah pero are you sure na ok lang sayo?”

“Oo, punta nalang ako jan nang lunch time.”

“Osige po ate, sasabihin ko nalang po kila manang.”

“Ok salamat. Bye na muna”  Sabi ni Sarah at binaba na niya ang phone.

Mageeleven o’clock na at tapos na ayusin ni Sarah ang sarili. Hinanap niya ang susi ng kotse niya sa drawer sa kwarto niya. Nang makita niya ito ay agad siyang pumnta sa parking lot at nakita na niya ito- ang kotse niya.

Pagsakay niya ay hindi maipaliwanag ni Sarah ang nararamdamang saya. Ngayon lang ulit na magagamit ang sasakyan niya dahil lagi nga siyang may driver.

Papunta na si Sarah sa bahay nila Gerald pero dumaan muna siya sa isang restaurant para bumili ng pagkain para sa binata.

Habang nagmamaneho si Sarah ay may tumawag sa kanya kaya inilagay nalang niya ito sa loudspeaker.

“Sars nasan ka?” tanong ng boses sa kabilang linya.

“A-ate Johna?!” nagulat si Sarah nang marinig ang boses ng kapatid.

“Nasan ka?” tanong ulit nito.

“Lumabas ako eh, may pupuntahan ako.”sabi nito sa kapatid.

“ah so, kelan ko makikita ang condo mo?” tanong nito.

“Kapag umuwi ka na” biro ni Sarah.

“well, andito na ako. So kelan nga?”

“Naadito ka?! Kelan ka pa dumating?” nagulat si Sarah nang malaman na nasa pilipinas na ang kapatid.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon