My Right kind of Wrong
Chapter 15: For one more Day
“Ate, sige na please!!!” Nagmamakaawang sabi ni Sarah sa ate niya.
“Hoy naenjoy mo naman!” sabi ng ate niya na ayaw paring pumayag.
“Sige na ate pagtakpan mo na ako. Last day na ni Ge dito sa paris bago siya bumalik sa pinas, kaya sige na pleaaassee” pagmamakaawa ni Sarah.
“Nope” sabi ni Johna
“Bakit ba ayaw mo pumayag?!”
“Kasi nga may date ako!” Sabi nito.
“O eh may date ka naman pala eh! Edi sabihin natin na magshoshopping tayo tapos maghiwalay nalng tayo sa labas.” Sabi ni Sarah
“hindi nga pwede!”
“Bakit?!”
“Kasi nga overnight yun! Alangan naman iwanan kita kay Gerald ng isang gabi no! baka pagbalik niyo dito eh may pamangkin na ako!”
“Grabe naman to! Teka over night? Date?! Baka ako ang magkakapamangkin niyan!” pabirong sabi ni Sarah.
“Hoy manahimik ka nga!” sabi ni Johna.
“San ka nga kasi pupunta?” tanong ulit ni Sarah. Tingin lang ang naging sagot ni Johna sa kapatid.
“Hindi nga?! Over night na date talaga? Anong ipinagpaalam mo kila mommy?”
“na babalik ako saglit sa New York.” Sabi ni Johna
“What?! Ate ha!” sabi ni Sarah nang may ngiti sa mukha. “So kaya hindi ako pwede sumama sa’yo gawang yun ung alam nila mommy?”
“yeah” sabi ni Johna. “sorry Sars ha, hindi talaga kita masasamahan eh”
“Hindi Ok, lang ate. Enjoy ka sa Date mo” kinindatan ni Sarah ang ate niya. “I’m sure makakaisip ako ng paraan, aalis ka na ba?” tanong ni Sarah sa kapatid.
“Oo eh, bago magising sila mommy. Mag-iiwan nalang ako ng message”
“Ah siya sige! Ingat ka! Pero ate, promise me na kay ate shine mangagaling ang una kong pamangkin ha.” Kinurot ni Johna sa tagiliran si Sarah “Aray ate ha!”
“Ikaw kasi! Osige na Bye na” yumapos na si Johna kay Sarah at naglakad palabas ng kwarto.
“Naku paano to?! Grabe! Sarah! Anong pwede excuse?! Think think think!!” nagsisimula nang magpanic si Sarah nang magtext sa kanya ang mommy niya.
From: Mommy
Anak magready ka, may pupuntahan tayong importante. Papunta na kami jan nila Daddy mo.“Ay paano to? Importante daw. Gosh Sarah! Akala ko ba tulog pa yun? ” tanong ni Sarah sa sarili. Nagsimula na ulit magpanic si Sarah nang makaisip siya ng isang Bright Idea.
“Ah alam ko na!” agad na nahiga si Sarah at umarte na natutulog pa. Nang pumasok sila mommy Divine sa kwarto niya ay nakita siya ng mga ito na tulog na tulog sa kama.
“Anak, gising na” sabi ng mommy niya.
“Hmm, mommy bakit po?” sabi ni Sarah nang nakapikit.
“May pupuntahan tayo, tingnan mo nga ready na kami nila Gab” sabi ng daddy niya.
“Pwede po bang hindi na ako sumama? Ang sama po kasi ng pakiramdam ko eh” matamlay na sabi ni Sarah habang nahaharangan ng kumot ang kalahati ng mukha niya.
“Anak naman! Tuma..” sabi ni mommy Divine pero agad naman siya pinigil ni Daddy Delfin
“Mommy ayan mo nang magpahinga yan si Sarah. Baka nga naman napagot kahapon, pagpahingahin na natin, tsaka pagbalik sa pilipinas eh busy na naman yan, kaya ayaan na natin humabol ng pahinga at tsaka ng tulog.”sabi ni Daddy Delfin kay mommy D.
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...