Sabay-sabay na umalis kinaumagahan ang lahat. Ang mga Geronimo at ang mga Anderson. Hiwalay ng sasakyan sila Sarah’t Gerald, ang mga Geronimo, at sila Vangie at Ken. Dederecho na sa airport ang bagong kasal, para sa kanilang honeymoon; kaya naman todo paalam na sila sa kanilang mga pamilya. Nang si Ken na ang kakausapin ni Gerald ay nakita niya ang malaking pasa nito sa mukha.
“What happened?!””Anong nangyari?!” sabay na sabi ni Gerald at Sarah kaya nagkatinginan ang dalawa. Gulong-gulo sila sa reaksyon ng isa’t isa dahil si Gerald ay nakaturo sa pisngi ni Ken samantala si Sarah naman ay hawak sa kamay ang ate Johna niyang namamaga ang mata sa kaiiyak.
Sarah shook her head then faced her sister “Ate please explain.. anong nangyari jan? sinong iniyakan mo?!”
Samantalang si Gerald naman ay tinanong ang kapatid “Sinong gumawa niyan? Kanino ka nakipag-away?” tanong nito
“Alam niyo, bye na.. malalate kayo sa flight niyo. Sige na” pag-iiba ni Johna ng topic. “Sige na go na! baka matraffic pa kayo!” sabi niya habang itinutulak papasok ng sasakyan si Sarah
“She’s right kuya the two of you should go. Malalate pa kayo” itinulak narin niya ang kapatid papasok ng sasakyan
“Hoy kayong dalawa, pagbalik namin mag-uusap tayo ha!” Sabi ni Gerald na nakaturo pa sa mga ito.
“oo nga te! Ikaw ha mag-usap tayo” sabi ni Sarah
“Bye!” malokong sabi ni Johna na isinara na ang pinto ng van. Pinukpok na ni Ken ang pinto para sabihin sa driver na umalis na.
Pagharap nilang dalawa sa mga pamilya nila ay nakatitig lang ang lahat na punong-puno ng pagtataka. Napatingin naman sila sa isa’t isa at agad inilayo ang mga tingin.
“Let’s Go” “Tara na po” biglang sabi ng dalawa na pumunta sa magkabilang dereksyon. Isa sa kanan at isa kaliwa.
“Ano ba talaga nangyayari sa mga batang to?” tanong ni Vangie kay Divine.
“Hay nako Balae, hindi miski ako ay naguguluhan”humawak ito sa balikat ni Vangie, “Mare mauna na kami. “
“Osige, kami rin. Ingat”
“Kayo rin ingat” bumeso na si Vangie sa mag-asawa at kila Shine; at tuluyan na silang naghiwahiwalay.
Palabas na ng south Luzon expressway sila Gerald. Hinawakan niya ang kamay ni Sarah at hinalikan ito.
“Excited ka din ba Babe? Kasi ako super excited na” Tanong ni Gerald na tumataas-taas pa kilay.
“Hmm Oo?” sagot ni Sarah na nakangiti
“Oo? Babe, don’t worry aalagaan kita” inilapit ni Gerald ang mukha niya kaya Sarah at ngumuso pa ito.
“Babe! Ano ka ba ang pilyo mo” natatawang sabi ni Sarah habang tinakpan ang mukha ng asawa.
“I just so happy Babe. Finally You’re mine” Lambing ni Gerald. Lumapit siya kay sarah at binulungan ito “and I can’t wait to make babies” napalo naman siya ng malakas ni Sarah sa braso
“Ouch” pekeng sabi nito.
“Sorry! Ikaw kasi eh.. ang pilyo mo.” ngumuso si Sarah at mahinang nagsalita “kinakabahan nga ako dito eh” kahit mahina ang pagkakasabi niya ay narinig ito ni Gerald. Lumapit muli siya sa misis niya at umakbay dito, muli siyang bumulong “Don’t worry Babe, hindi naman kita pipilitin eh. Kung hindi ka pa ready, then I will wait”
Natouched naman si Sarah sa narinig sa asawa, kaya humalik siya dito “I ready to give everything to you babe” nakangiting sabi nito. “I trust you” muli niyang hinalikan sa labi ang asawa.
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...