Chapter 50:Anger Management

3.8K 72 10
                                    

My Right Kind of Wrong

Chapter 50

“Mrs. Anderson, I will need you to give us your urine and stool sample. We will test it kung meron ka bang sakit or not.” Humarap naman si Dr. Silva kay Gerald “You will get your results tomorrow” nakangiting sabi ng doctor sa mag-asawa.

Tumayo na ang dalawa at nakipagkamay sa doctor. Unang lumbas si Gerald dahil magbabayad pa siya ng fee habang naiwan naman si Sarah na kinausap ng doctor bago ito tuluyang lumabas “Ms. Sarah, I think you should buy a pregnancy kit. I think you’ll be coming a mother soon” nakangiting sabi ng doctor. “Po? Eh bakit ngayon niyo lang po sinabi? Bakit hindi kanina nung naandito si Gerald?” nagtatakang tanong ni Sarah. “Well as a mom, and as as woman, alam kong gusto mo ikaw ang magsabi nun sa asawa mo”

“Salamat doc” masayang sabi ni Sarah sa doctor niya. Pagkalabas niya ay inaantay na siya doon ni Gerald. “Babe, bakit ang tagal mo sa loob?” puna ni Gerald. “Ah wala, nag-usap lang kami saglit ni doc” napansin ni Gerald ang glow sa mata ng asawa niya kaya lalo siyang nacurious “anong napagu-“ hindi na niya natapos dahil alam na kaagad ito ng asawa “Wala, kinamusta niya lang sila mommy, at si Ate” napatango nalang si Gerald at nagpatuloy sa paglalakad.

Pumunta muna sila sa lab para ipatest yung samples ni Sarah. Pagkatapos nun ay naglakad na sila papunta sa lobby at sa sasakyan nila, Sarah immediately texted Anna as soon as  they drove away from the hospital.

To:Ate Anna

Ate! Penge naman ng isang malaking favor oh! Can you buy me a pregnancy kit?

wag mo muna ipaalam sa iba ha. Lalo na kay Ge, and kila Mommy. Baka kasi alam

mo false alarm, medyo fail naman yun di ba. Sa ngayon tayo muna ha. Kunin ko

mamaya sa bago or after nung meeting with boss. THANKS ATE mwah!

Hindi pa man sila nakakalayo ay nagreply na kaagad si Anna

From:Ate Anna

Oh my gosh?!! Really! Sige sige dadalhin ko mamaya. Basta ha! wag ka masyadong

pastress, kung meron man yan, ingat ingat na pag may time! Kita kitz nalang bhe.

“Sino yan babe?” tanong ni Gerald nang makita ang asawa na nakangiti habang nagbabasa ng text. “si Ate Anna, nanloloko kasi. “ pagtingin ni Sarah sa tenga ng asawa ay namumula ito “teka babe, nagseselos ka ba?” nanglaki naman ang mata ni Gerald at pilit itinatanggi ang bintang ng asawa “Ako selos? Sus babe! Hindi ako ganung kaseloso no!”  napangisi naman si Sarah at umayos ng upo. “okay, so dahil hindi ka naman pala seloso, payag na akong magcoffee with Llyodie” biglang itinigil ni Gerald ang sasakyan. Mabuti nalang at walang nasa likod nila.

“Ay! Oh bakit ka biglang tumigil?! Green naman yung stop light ah! Tsaka wala naman natawid?” patay malisya na sabi ni Sarah. “So you’re going out with Llyodie?! Sarah pamilyado ka nang tao, tapos makikipagkita ka dun? Eh di ba siya yung first love mo?!” sa pinagsasabi ni Gerald tumawa ng malakas si Sarah.

“Hindi daw nagseselos ha!” tawa ng tawa si sarah habang nakatitig lang sa kanya si Gerald. “Gawa gawa mo lang yun?” malamig na sabi ni Gerald. Nang mapatingin si Sarah ay itinigil niya ang pagtawa at nakangiting tumango sa asawa. “You made that up!?! Paano kung naaksidente tayo nung tumigil ako?! Ha! What will you do? That’s not even funny! What are you thinking?!” galit na sabi ni Gerald.

“Sorry! Ikaw kasi ayaw mo pang umamin!” pagtatanggol naman ni Sarah sa sarili niya. “Ako? Ako pa may kasalanan? Eh sino ba tong nagsabi na lalabas kasama si Llyodie?” sumimangot lang si Sarah at inis snob ang asawa “Ihatid mo nalang ako sa viva office, may meeting kami nila boss” naiinis man si Gerald ay nagpatuloy na siya sa pagmamaneho. Napuno ng katahimikan ang byahe nila mula noon.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon