My Right Kind of Wrong
Chapter 17: Metamorphosis
Dalwang lingo na ang nakalipas mula nung mangyari ang sagutan ni Sarah at ng ina. Mula noon ay unti unti nang bumibitaw si mommy Divine, kahit mahirap ay kailangan niya itong gawin dahil alam niya na mas mahihirapan siya kapag humiwalay na si Sarah.
“Anak, gising ka na” nagising si Sarah sa boses ng mommy niya.
Nang imulat ni Sarah ang mata niya ay nakita niya ang mommy niya na nakaupo sa tabi niya at ang daddy niya na nakatayo sa may paanan ng kama.
“Hmm b-bakit po kayo naanditong dalwa?” tanong niya.
“Anak, nakahanap na kami ng place para sayo” sabi ni Daddy D.
“Talaga po?!” nagising si Sarah sa sinabi ng ama.
“Sinabi kasi sa amin ng mga tao sa SMDC na kinausap mo raw sila noong isang linggo. Naghahanap ka daw ng condo,tumawag sila kahapon at si Daddy ang nakasagot sinabi nila na meron na silang nakitang condo for you, 3 yung pagpipilian mo. If you want pwede natin tingnan ito mamayang after lunch? Kahapon nun umalis kami sabi namin sayo ay may lunch kami pero pumunta lang talaga kami doon.”sabi ni Mommy D.
“Anak, sinigurado muna namin ng mommy mo na magiging okay ka dun, bago ka lumipat sa mismong bahay mo.” dagdag ni Daddy D.
“B-bahay po?” tanong ni Sarah
“Oo, anak. Bahay. Naisip namin ng daddy mo yung pangarap mo dati, noong nagsisimula ka palang, Sabi mo balang araw ay makakapagpatayo ka rin ng sarili mong palasyo, ng sarili mong bahay.” Hinaplos ni mommy D ang kamay ng anak.
“ Noong sinabi mo sa amin na gusto mo nang bumukod, naalala namin yun. Kaya naisip namin na ipagpagawa ka ng bahay, kung ok lang sayo?” naupo si Daddy D. sa tabi ni Sarah.
Napangiti si Sarah sa sinabi ng mga magulang. “Opo naman po, Payag na payag ako!” masayang sabi nito sa mga magulang. Niyapos ni Sarah ang mga ito at sinabi sa sarili na…
Hayy salamat po papa God, Salamat po at sa wakas ay makukuha ko na ang palasyo kong inaasam! alam kong mahirap ito para sa mga magulang ko pero alam ko pong ito ang kailangan ko. Ito ang kukumpleto sa pagkatao ko, ang maging Malaya. Salamat po talaga, napakasaya ko po ngayon Salamat! Salamat!
Niyakap pa ni Sarah ang mga ito ng mas mahigpit “Maraming Salamat po” sabi nito na halatang halata ang kasiyahan.
Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay umalis na sila para tingnan ang mga units na sinasabi ng SMDC na sa tingin nila ay pwede kay Sarah.
Una silang pumunta sa Blue Residences sa Quezon city. Nang makarating sila sa lobby ay sinalubong sila ng isang tao ng SMDC.
“Good Afternoon po Mr and Mrs. Geronimo, and Ms. Sarah” masayang bati nito sa kanila. Kinamayan naman nila ito.
“Magandang hapon po.” Bati ni Sarah. “Uhm, pwede na po ba natin puntahan yung mga units.?”
“Opo, this way po ma’am” ginabayan nito ang pamilya Geronimo at sumakay na sila sa elevator. Nang bumukas na ang pinto ay nakita na ni Sarah kung nasang floor sila- sa 21st floor.
“Eto po yung sinasabi namin sa inyo na unit.” Binuksan nito ang pinto at nakita nila na kung gano ito kalaki. “two bedroom-unit po to ms. Sarah. Total area po niya ay 50.85 sqm” sabi nit okay Sarah.
Nilibot ni Sarah ang buong kwarto, ang kusina, ang salas, ang mga kwarto, at pati ang banyo habang tinatanong ni Mommy D. ang broker. Hindi nagtagal ay umalis na sila para tingnan ang iba pang units na pineprefer nila kay Sarah.
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...