Chapter 18: One step at a Time

4.7K 59 14
                                    

My Right Kind of Wrong

Chapter 18: One step at a time

 

“well, eto na yung last!” masayang sabi ni Sarah. Naghakot na sila ng mga gamit ni Sarah sa condo. Mabilis natapos ang condo niya dahil araw gabi itong ginawa, hindi ito naging istorbo sa ibang nakatira doon dahil wala namang nakatira sa ibaba at sa tabi nito.

“Anak, kailangan mo ba ng tulong na ayusin ang mga gamit mo?” tanong ni Daddy D.

“Hindi na po daddy. Ako nalang po mag-aayos. Magpahinga na po kayo.” Masayang sabi ni Sarah sa mga magulang.

Umalis na sila mommy Divine at daddy Delfin. Nang makaalis ang mga ito ay umikot si Sarah sa salas at nang mahilo ay umupo sa sofa. Kumpleto na ang gamit ng condo niya. Kumuha pa sila ng Interior designer para dito.

Nagdesisyon si Sarah na libutin muli ang condo niya, na ngayon ay handing-handa na para sa kanya.

Airconditioned ang buong unit niya, ang kusina kumpleto narin, kulang na lang ang groceries, at sa kahilingan ni Sarah ay siya na ang gagawa nito kaya hindi na bumili si mommy Divine.

Tinignan rin ni Sarah ang kanyang banyo, inilagay na niya ang shampoo, conditioner, at iba pang toiletries. Tinignan rin niya ang shower, at nakita naman iya na meron itong music player na ikinatuwa naman niya.

Sunod na pinuntahan ni Sarah ay ang kanya walk-ik closet. Pagpindot ni Sarah ng switch ay bumukas lahat ng ilaw, nakita niya ang kanyang mga sapatos, ang mga bag na nasa istante at ang mga damit niya na ginagamit niya sa mga shows ay nakahanger sa isang naikot na platform, at ang mga panglakad niya at pambahay ay nakalagay sa cabinet.

 Kumuha ng pansin ni Sarah ang isang salamin na kasing laki ng pinto, Hinawakan ni Sarah ito, at naramdaman niyang hindi ito masyadong nakadikit sa pader kaya itinulak niya ito, at laking gulat niya ng kumaang pa ito. Binuksan niya ito at nakita niya lahat ng alahas niya na nakaayos.    

Huling pinuntahan niya ay ang kanyang silid tulugan. Pagpasok ni Sarah sa kwarto ay kitang-kita ang kinang ng mata niya. Nakawallpaper ang mga pader, may king-sized bed, may mga lamisita sa tabi ng kama niya na may nakapatong na lampshade katulad nung sa kwarto niya. Nang Tumingin si Sarah sa kisame ay nakita niya ang wallpaper na mukhang langit sa gabi, mas pinaganda pa ito ng ilang LED light na kumikinang kinang parang bituin.

Tumalon siya sa kama at tinignan lang niya ang mga ilaw sa kisame, nang makaramdam siya ng antok ay pinatay na niya ang ilaw na may switch rin sa tabi ng kama niya, at natulog na siya.

Nagising si Sarah nang magaalas tres ng hapon. Tumayo siya at nag-ayos, itinext niya si Yeng para magpasama mamasyal at bumili narin ng groceries.

To:Yeng

Sis, busy ka ba ngayon?

From:Yeng

Nope why? Nasa bahay nga lang ako eh

To:Yeng

Samahan mo ko! Now na hahaha sa mall and sa supermarket.

From:Yeng

Gala?! Sure, daanan kita sa bahay niyo?

To:Yeng

Yup Gala!! Umalis na ko sa bahay dito mo ko daanan sa M residences sa Q.C. sa condo ko ;)

From:Yeng

OMG sis! Serious?! Sige sige puntahan kita jan! Text nalang kita kapag malapit na ako.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon