My Right kind of Wrong
Chapter 10: Serendipity
NAIA terminal 3, Present day
“Ali tatawagan nalang kita, siguro next week para malaman mo kung anong oras mo kami susunduin” sabi ni Gerald kay Ali habang binababa nila ng sasakyan ang maleta niya.
“Yes sir. Call me nalang po sir!” pabirong sabi ni Ali. “At sir wag niyo po kalimutan yung bilin ko ha!” dagdag nito sa sinabi.
“Oo na bro! yung mga pasalubong mo! wag ka mag-alala pati si Sheila ibibili ko. For sure magugustuhan ng girlfriend mo yun!” biro ni Gerald sa kaibigan
“Mabuti naman sir! Hahahah basta bro ha mag-iingat ka . Sige na pumasok ka na!” nagpaalam na si Ali kay Gerald at niyapos naman niya ito sabay tapik sa likod nito.
Nang makapasok na si Gerald sa airport ay umalis na rin si Ali. Matapos i-check ng security si Gerald ay nagcheck-in na siya ng gamit. Nang matapos ito ay pumunta na siya sa waiting area, doon na siya nagpalipas ng oras.
Inilabas niya ang ipod niya at nakinig muna ng music. Nakatulong ito para marelax si Gerald na ngayon ay nasa gitna ng isang lugar na kahit saan ka man lumingon ay kitang-kita mo na abalang-abala ang mga tao sa kani-kanilang Gawain.
Buti nalang at naicharge ko tong ipod ko, tulong narin pang palipas oras.Sabi niya sa sarili na ngayon ay medyo inaantok na, mayamaya lang ay nakaidlip na ito habang yapos yapos ang bag na dala.
*****
“Opo ate naandito na ako. Actually nasa waiting area na ako kanina pa ako dumating.” Sabi ni Sarah sa ate niya na kausap na niya sa phone.
“Ah mabuti naman! Atleast ngayon sigurado na ako na hindi ka maiiwan ng eroplano.” Biro ni ate Johna.
“Sars, tawagan mo ko pagnagland ka na sa hongkong ha.” Bilin nito.
“osige ate. Pag nasa hongkong na ako eh talagang tatawagan kita.” Sabi ni Sarah habang naghahanap ng bakanteng upuan. Palingon lingon ang ulo niya hangat sa makakita siya ng upuan katabi ng isang mag-ina.
“Eh Sarah anong oras ba alis mo jan sa pilipinas?”
“6 ang flight ko sana nga lang hindi ako madelay, tapos sa hongkong eh may unting time pa para makapagshopping pero hindi na ako aalis ng airport at baka mapagastos pa ako ng sobra”
“Basta sis ha! Mag-ingat ka ha! 2 hours bago ka magland eh pupunta na kami ng airport.”
“Osige ate Ba..” nadistract si Sarah dahil sa katabi niyang batang lalaki na sinisipa ang upuan. Hindi naman ito magawang pigilan ng ina nito.
“Basta ate, itetext kita kapag nadelay o anu man ang flight ko.”
“bakit parang iritang-irita ka jan?”
“kasi naman itong batang katabi ko ang likot” pabulong na sagot ni Sarah sa kapatid. Tinawanan lang siya ng ate niya.
*****
Natutulog si Gerald ng bigla siyang magising ng maramdaman niya na parang nililindol ang upuan niya. Iminulat niya ang mga mata at napansin niya ang mag-ina sa likod ng kanyang upuan.
Ipinikit niya muli ang mga mata at nakinig nalang sa music; patuloy parin ang pagsipa ng bata sa upuan, tinitiis lang ito ni Gerald dahil ayaw niyang sirain ang araw niya kung magagalit lang siya.
Ilang minuto na ang lumipas at napansin niya na hindi lang siya ang naiinis sa ginagawa nito.
Tinanggal niya ang earphones niya sa tengan at humarap sa bata.
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...