Chapter 28: The Truth behind Lies

4.5K 44 9
                                    

My Right Kind of Wrong

Chapter 28: The Truth behind Lies 

“Babe,” ginigising ni Gerald si Sarah “Babe” mas malakas na sabi nito at nagising naman ang dalaga.

Iminulat ni Sarah ang mata at nakita si Gerald “Babe, Tara sa kwarto magpahinga ka muna” nag-aalalang sabi ng binata.

“No, I’m okay” sagot ni Sarah na nakatulog na sa kinauupuan.

“Babe please, take some rest” ngumuso si Gerald at nagpaawa sa kasintahan

“Ge, Stop looking at me like that” tinakloban ni Sarah ng kanyang kamay ang mukha ni Gerald.

“Then take some rest” sabi nito habang nakalagay ang kamay ni Sarah sa mukha.

“Babe, I don’t want to. Dito lang ako hihintayin ko si Daddy. Ikaw umuwi ka muna, you should rest.”

“No! I’m not going to leave you alone” parang batang sabi ni Gerald.

“Ay ang baby boy ko oh! Teka anong oras na ba?”

“magfoFour na ng umaga. Want to have a super duper early breakfast muna sa baba?”

“Osige tara muna, Tatanungin ko muna sila mommy ha”  tumayo si Sarah at lumapit sa ina at mga kapatid.

Pagbalik ni Sarah kay Gerald ay tumayo na rin ito para umalis na sila

“Anong sabi?”

“Tayo nalang daw muna, busog pa sila eh. Dalhan nalang natin sila ng kape, Tara na babe”

Dumating na sila sa cafeteria at bumili na ng pagkain. Magaan lang ang kinain nila, at syempre kape.

Bumili si Gerald ng mga kape para sa kanilang lahat, sa pamilya ni Sarah, at sa mga security guards nila.

Habang nabili si Gerald ay iniintay naman siya ni Sarah sa kanilang lamesa. Naadun na ang kanilang pagkain at hinihintay nalang ng dalaga na umupo si Gerald para sabay silang kumain.

“Here Babe oh” iniabot ni Gerald ang kape ni Sarah

“Yun! Salamat babe” ininom na ni Sarah ang kape niya.

“Tingnan mo babe, hanggang ngayon napakarami paring media sa labas” ngumuso si Sarah sa dereksyon ng bintana kaya naman napatingin si Gerald.

“Talagang dito sila natulog ha! Grabe rin naman itong mga to, wala ba silang day off?”

“Hayy nako kahit naman Day off yang mga yan eh hindi rin natigil sa paghahanap ng tsimis” natatwang sabi ni Sarah.

“Hmm sabagay, Oh baby girl ubusin mo yang pagkain mo ha! unti lang kasi kinain mo kagabi!” Sabi ni Gerald kay Sarah, kaya naman wala nang nagawa si Sarah kung hindi sundin ang utos nito.

“Opo Daddy! Kakain napo ako” malokong sagot nito “Hmmm! Ang yummy!”

“Very Good Baby Girl!” tawa ni Gerald.

Matapos nilang kumain ay umakyat na sila. Ibinigay na nila ang mga kape sa mga kasama. Si Sarah ang nagbigay sa mga guards na kasama at si Gerald naman kila mommy Divine.

“Mommy ano na pong balita?” Tanong ni Sarah sa ina ng makalapit ito rito.

“Lumabas na si Doc kanina nak, Successful daw ang operation. Pero nong daw operation ay nagkaroon ng cardiac arrest ang daddy niyo.” Nanlaki ang mata ni Sarah sa narinig “Pero wag ka na mag-alala. Dadalhin na ang daddy niyo sa recovery room maya maya at doon nalang daw natin siya pwede makita.”

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon