My Right Kind of Wrong
Chapter 30: Out of Danger
“His getting better na misis. However we still need to watch his heart. Kailangan parin natin siyang pagtuunan ng pansin.” Sabi ng doktor.
“Eh Doc kailan naman po siya pwedeng lumabas?” tanong ni Mommy D
“If his condition continues to get better he can get out of here no time.” Masayang sabi ng doktor.
“Narinig mo yun Dad.. pagaling ka ha. Pagnakalabas ka dito papasyal tayong buong pamilya.” Masayng sabi ni Sarah.
“Talaga?!” sabay na sabi ni Johna at Gab
“Oo naman!” sabi ni Sarah.
“Sagot mo?” tanong ni Gab
“Yung tickets lang! tsaka hotel” sabi ni Sarah.
“Grabe Gab! Pati pang shopping mo kailangan galing sa amin?” sabi ni Johna
“Hindi naman” napayuko si Gab.
Natawa naman dito ang mag-asawa na ngayon ay magkatabi.
“Napakagandang tignan ng pamilya natin na ganito. Masaya at nagmamahalan” sabi ni Daddy Delfin
“Don’t worry Dii. I promise marami pang moments na ganito tayo. Lalo na kapag nakalabas ka na, mamasyal tayo sa isang resort or kahit saan para makapagpahinga ka” sabi ni Shine na umupo sa tabi ng ama.
Napangiti naman ang lahat sa sinabi ng panganay.
Bigla nalang nagtawanan ang lahat nang marinig na kumulo ang tyan ni Gab.
“Oh nagugutom na si Gab” sabi ni Daddy D.
“Bumaba na muna kayo at kumain. Sige na, ako na muna bahala sa daddy niyo” sabi ni Mommy Divine.
“Osige po ma.” Sabi ni Johna. “Tara na”
Nang palabas na si Shine ay biglang nagsalita ang ama. “Shine anak, pwede ba tayong mag-usap?”
Lumingon nalang at tumango ito bilang tugon sa tanong ng ama.
“Mommy Pwede mo ba kaming iwanan muna?” tumingin ito sa asawa.
“A-ah sige. Dun lang ako sa labas. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako” sabi ni Divine at lumabas na ng kwarto.
Nang silang mag-ama nalang ang laman ng kwarto ay nagtanong na si Shine sa ama.
“Bakit po dii?”
“Anak.. gu…. Gusto ko sana itanong sa’yo kung ano yung sinabi mo sakin kanina nang magising ako?”
“A-ah yun po ba?...”
“Anak, mayroon akong gusto sabihin sa’yo. Gusto kong umamin sayo.. t-tu-tungkol sa totoo mong pagkata-“
Biglang pinutol niyang pinutol ang sinasabi ng ama. “Daddy alam ko na po” nakangiting sabi ni Shine sa ama.
“A-alam mo na?! pa-paano?”
“Opo Dii… Narinig ko po kasi si Mommy nung kinakausap niya kayo.”
“A-ayos ka lang ba?”
“Oo naman po Dii.. At kahit po na alam ko na ang tungkol dito, para sa akin ikaw parin ang tatay ko. Ikaw parin ang unang lalaking minahal ko.” Hinawakan ni Daddy Delfin ang kamay ng anak.
“Kahit na tito ko lang kayo sa dugo, ikaw parin ang tatay ko sa puso ko. Daddy… siya nga po pala,”
“Ano yung anak?”
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...