Chapter 53:The Old and the New

3.1K 58 6
                                    

*Knock *Knock

“ate anna may tao po!” sabi ni Sarah na nagbibihis. “Ano ba yan! Bakit di na kasya tong damit na to?! Kaiinis!”  Dahil sa inis niya sa asawa, ay idinaan ito ni Sarah sa pagkain kaya naman medyo tumaba siya ngayon kaysa noong naadun pa siya sa bahay nila.

*Knock *Knock *Knock

“Ate! Pakitignan nga po kung sino nakatok!” sabi ulit ni Sarah na nagdecide na isuot nalang ang bistida na ibinigay ni Gerald sa kanya noong sobra siyang naconcious sa itsura niya. “Ate?!” lumabas si Sarah sa kwarto at hinanap si Anna sa salas.. pero wala siya dito.

“Nasan kaya yun?!” lumapit si Sarah sa pinto. Pagbukas niya ito ay ang una niyang nakita ay isang napaka laking bouquet ng tulips sa sahig. “Ay naku! Heraldo hindi mo ko makukuha sa gayan-ganyan mo!!” sigaw niya sa hallway. Kaya iniwan niya na doon ang bulaklak.

Isasara na niya ang pinto nang biglang nagsalita si Gerald na nagtatago lang pala sa may pader. “Babe.. I’m sorry na. Alam ko naman na gusto mo talaga eh. Pero di talaga pwede. Malapit na yun sa due mo” paliwanag ni Gerald.

“Bahala ka sa buhay mo! umuwi ka na!” akmang ilalagapak ni Sarah ang pinto nang isingit ni Gerald ang paa niya sa pinto. “Ouch!!” sigaw ng lalaki. Kaya naman nagpanic si Sarah.

“Bakit mo inilagay paa mo jan!?! Para kang ewan eh!” nag-aalala at naiinis na sabi nito sa asawa.

“I was tryin to stop you pero lagi ka kasing nakawalk out eh!” sabi ni Gerald na hawak hawak ang pang naipit.

“SO ako pa! ako pa may kasalanan ngayon! LOKO ka rin no!” itinulak ni Sarah palayo si Gerald at isinara ang pinto. Sumandal siya sa pinto at pinakinggan si Gerald sa labas.

‘Parang sakit na sakit si Ge dun ah… naku naman sarah! Labasin mo na! pero teka hindi kasalanan naman niya eh.. pero hindi ka ba nakukunsensya?’

Hindi malaman ni Sarah kung lalabasin ba niya ulit ang asawa.. pero nang marinig niyang sumigaw si Gerald ay kaagad siyang tumakbo palabas.

Pagbukas niya ng pinto.. ay kaagad tumingin sa kanya si Gerlad na parang bata “Babe.. it’s bleeding” naiiyak na sabi nito.

Lumapit si Sarah at tinignan ang paa nito. Nakita niya na nagdudugo ang kuko ni Ge. “Tara tayo! Dun tayo sa loob gagamutin ko yan!” sabi ni Sarah na inakay ang asawa papasok ng condo niya.

Iniupo niya ang mister na nag-iiyak sa sobrang sakit, sa sofa niya. Kinuha niya ang first aid kit at kaagad na ginamot ang sugat nito. Pero  isang pahid niya palang ng mapansin niyang kulay pink ang bulak na pinangpahid niya dito.”Wait” napatigil si Sarah sa ginagawa.

“This is not blood! This is  just lipstick!” bwisit na bwisit na sabi ni Sarah. Ngumiti sa kanya si Gerald at ibinato niya sa mukha ng mister ang bulak na pinangpupunas niya dito.

“Sorry! Hindi mo ako pinapapasok eh” natatawang sabi ni Gerald.

“At sa tingin mo nakakatuwa ha Heraldo! Naku lalo mo lang dinagdagan init ng ulo ko!” sabi ni Sarah na papunta na sa kwarto niya.

“Wait babe!” hinawakan siya ni Gerald sa kamay at inilagay nito ang isang envelope. “Ano to?” inis na tanong niya sa kanyang mister.

“Open it” binuksan ni Sarah ang envelope at tinignan kung ano ang laman nito. Concert tickets para sa concert ni Beyonce. “Wait akala ko ba di pwede?! Ano to?” nagtatakang sabi ni Sarah.

“Alam mo naman di ko kaya na galit ka di ba. Kaya ayan binili kita. Pero makakapunta ka lang kapag kasama ako okay?!” sabi ni Gerald sa asawa.  Unti-unti namang napangiti si Sarah sa sinabi ng asawa.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon