My Right Kind Of Wrong
Chapter 42: remember when
Isang buwan na ang nakakalipas nang mangyari ang aksidente. Magaling na ang mga sugat nila Sarah at Gerald, nagagamit na muli ng binata ng ayos ang kanyang mga braso, at si Sarah naman ay nakakalad na ng ayos. Bumalik na sila sa kani kanilang mga trabaho, si Gerald tinatapos nalang ang teleserye niya at si Sarah naman ay may gagawing pelikula kasama si Toni, Anne, at Nikki.
“Babe!” narinig ni Gerald si Sarah na nakaway sa di kalayuan.
Agad naman lumapit ang binata. “Hi Babe” bumeso ito sa mapapangasawa.
“kamusta first day? Ulit?” tanong ni Sarah
“Okay naman.. kaya lang sobra kitang namiss”
“asus eto namang mister ko! Nang bobola na naman”
“Hindi po ako nangbobola misis, totoo ang sinasabi ko. Namimiss kita sobra” sabay halik sa dalaga
“Oi! Ikaw ha!” saway niya dito “tara na nga at baka naiinip na si Andrea” naglakad na sila papunta sa meeting place nila.
Nang makapasok sila ng restaurant nakita agad nila si Andrea na may kausap sa phone.
“okay bye abby, Take care” narinig nila Gerald na sabi nito sa kausap.
“Hi” bati ni Gerald sa wedding coordinator nila.
“Ay sir Gerald, Ma’am Sarah naadito nap ala po kayo” tatayo pa sana ang dalaga pero pinigil na siya ni Sarah.
Nang makaupo na ang magkasintahan, umorder na sila ng kanilang lunch at nagsimula nang mag-usap tungkol sa kasal.
“Kailan niyo po balak imove yung kasal niyo?” tanong ni Andrea
“ July 7” mabilis na sagot ni Sarah
“Wait, that’s the-“
“yup, yung date ng concert ko, 24/SG.”
“Yun yung concert mo na kinantahan mo ako ng It might be you” nakangiting sabi ni Gerald.
“Oo July 7, that was the day I shouted to the whole wide world na ikaw yung gusto ko makasama for the rest of my life” malambing na sabi ni Sarah.
Nangiti naman si Gerald sa tinuran ng kasintahan, habang si Andrea naman ay halos magtatalon sa kilig na nararamdaman niya sa dalawa.
“Ok po, July 7. Tuloy na tuloy na po to ha,” biro ni Andrea
“Yes it is. Tuloy na to. This time, I will finally say I do” malambing na wika ni Gerald na nakatitig sa kanyang papakasalan.
“Ganun parin po yung time, tsaka yung location po di ba?
“Yup”
“Pati rin po sa reception?”
“Oo, ako na bahala makipag-usap sa kanya, may taping din kasi kami sa batangas eh”
“osige po sir, paki contact nalang po ako, para po maayos ko na rin yung sa catering service”
“Sure, sure”
“Regarding po dun sa invitation, may gusto po ba kayong idagdag?”
“Hmm wala na siguro, ikaw ba babe?” tanong ni Sarah.
“Wala na rin, Kailan ba yun pwede isend?”
“By next week po, pwede na”
“That’s great”
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...