Chapter 8: Ikaw parin

5.2K 48 0
                                    

My Right kind of Wrong

Chapter 8: Ikaw parin 

Sunday morning, present day

Mataas na ang sikat ng araw sa labas, pero sa loob ng kwarto ni Gerald ay ni isang sinag ng araw ay wala kang makikita. Ang tanging makikita mo lamang pagpumasok ka ay isang lalaking nakaupo sa kama, nakapatong ang siko sa tuhod at nakalagay ang mga kamay sa mukha.

Sobrang gulo ng isip ni Gerald sa ngayon. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano niya aayusin ang gulong sinimulan niya.

Gerald ayusin mo nga ang buhay mo! Ayusin mo ang isip mo! Sabi niya sa sarili habang paikot-ikot na siya sa kanyang kwarto. Ilang minuto rin ganun si Gerald, parang pusang pabalik-balik na naglalakad. Bigla siyang napa-upo nang maalala niya ang rason kung bakit sila nag-away ni Maj.

 

“Ge nakita kita kanina. Yung mga tingin mo sa kanya. I-iba eh!” sabi ni Maja habang nag-uusap sila sa garden.

“Maj ano bang sinasabi mo?!” laking taka ni Ge sa sinasabi ni Maj

“Yung tingin mo! yung titig mo sa kanya iba eh! Ge I know Ibang- iba yun sa mga tingin mo sakin! You never looked at me that way.”

“Tingin? Kanino? “ gulong-gulo na si Gerald sa mga pinagsasabi ni Maja.

“Si S-Sarah!” mahinang sabi nito pero ramdam ni Gerald ang sakit sa pagbigkas nito ng pangalan ni Sarah.

“Maj, You know it’s been what?!  two years since, since we talk to each other.”

“I know Ge! The past year we’ve been seeing each other has been amazing. It’s like a fairytale come true for me! B-but..” putol ni Maja sa sinasabi na lalong nagpakaba kay Gerald.

“but what?” Tanong ni Gerald na kabadong-kabado sa sasabihin nito sa kanya.

“Nothing… n-never mind..”

“Ge just please, promise me you’ll never leave me.” Napatingin lang si Gerald kay Maja at niyapos niya ito ng mahigpit at hinalikan sa noo.

Naalala niya ang huling babaeng nagsabi sa kanya ng mga salitang ito. Mga salitang sinagot niya ng Oo. Ang kaisa-isang pangako na sobra ang idinulot na sakit sa puso niya. Pangako niyang gusto niya tuparin pero hindi niya ginawa. Kaya ang ginawa nalang niya ay niyakap nalang niya ng mas mahigpit si Maja at ipinikit ang mga mata.

Medyo nagtagal sila sa ganung posisyon nang “Ge, Uwi na tayo, please” Iminulat niya ang mga mata niya at hinawakan na niya sa kamay si Maja para sabay na sila magpaalam kay Ms. Zsa Zsa.

“Kuya gising ka na ba” nakarinig si Gerald ng boses.

“Yeah, come in” Sigaw niya

“Wow! Bro what’s this? Bakit ganito kadilim dito?” Tanong ni Fred

“kuya are you okay?” nag-aalalang tanong ni Ken. Si Ken ay mas nakababatang kapatid ni Gerald na malapit sa kanya.

“I’m fine! So what are you guys doing here?” tanong ni Gerald na may pagkairita ang dating na napansin ng dalawa.

“I heard the news bro. totoo ba na hiwalay na kayo?” Tanong ni Fred

“Y-yeah” malungkot na sagot ni Gerald

“What! W-what happened? Last time na nakita ko kayo eh ang saya-saya niyo pa. Pero ngayon bakit wala na?”

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon