Chapter 23: Questions

4.9K 59 18
                                    

My Right Kind Of Wrong

Chapter 23: Questions

“Ge, Where are we going?” seryosong tanong niya.

Hindi parin sinasagot ni Gerald ang tanong ni Sarah na lubos nitong ikinabahala.

“Ge-Gerald?” ramdam ang kaba sa boses ni Sarah.

“Sarah” sabi ni Gerald.

Nakahinga siya ng maluwag nang marinig niya magsalita ang binata

“Do you really wanna know?” mahinahong tumango si Sarah.

Mahinang tinulak ni Gerald si Sarah palayo sa kanya at lumuhod ito sa kanyang harap.

“Sarah Asher Geronimo, will you be my girl?” masayang tanong nito sa kanya.

Nagulat man si Sarah sa ginawa ng binata ay naging masaya naman ito. Hindi niya mapigil ang kanyang luha, kaya tumulo na ito.

“Yes” tumayo agad si Gerald at niyakap ang dalaga.

Napansin ni Gerald na naiyak ang kasintahan kaya bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ito sa mukha.

“Oh, bakit naiyak ang Baby Girl ko?”

“Kasi naman ikaw eh!” pinalo niya ito sa balikat “Ang tagal mong sumagot! Kinabahan tuloy ako! Pero ngayon talaga sobrang saya ko. Salamat Babe” sabi nito sa kanya.

“Babe?!” nanlaki ang mata ni Gerald. “Namiss ko yun ah!” masayang sabi niya.

“I Love you Babe,” sabi ni Gerald.

“I Love you t-“ hindi natapos ni Sarah ang sasabihin nang biglang angkinin ni Gerald ang kanyang labi.

Sinuklian ni Sarah ang halik na binigay sa kanya ng kasintahan. Ramdam na ramdam nilang dalawa ang pananabik nila sa isa’t isa, pero bago pa man sila mawala sa sarili ay inilayo na nila ang kanilang mga labi at sa halip ay niyapos ni Gerald ng mahigpit si Sarah.

“Kumain ka na ba babe?” tanong ni Gerald sa dalaga.

“Uhhmm oo… ikaw?”

“hindi pa eh”

“Ah siya maupo ka dyan!” iniupo ni Sarah si Gerald. “Anong gusto mong ulam?”

“Kahit ano..” masayang sabi ng binata.

“Osige” ipinagluto na niya ito nang pagkain.

Habang nakain ito ay nakatingin lang si Sarah at pinagmamasdan ang kasintahan.

“Osige na tama na titig mo, natutunaw na ako oh!” biro ni Gerald dito.

“Hindi ko ata kaya itigil ang sarap mo kasi tingnan eh”

“Hmm teka hindi pa naman kita tinuturuan magbasketball di ba?!” tumaas ang kilay ni Sarah “Kasi ngayon palang ang galing mo na mambola!” tapos ni Gerald sa sinasabi.

Natawa naman ang dalawa sa sinabi ni Gerald. “Ang corny naman ng babe ko!” pinisil ni Sarah ang pisngi nito.

“Kaya mo nga ako mahal di ba”

“Syempre naman!”

Masayang masaya ang dalawa nung gabing yun. Puno ng kulitan, tawanan, lambingan, pero syempre hindi nawawala ang pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Malalim na ang gabi at nagdesisyon na si Gerald na umuwi dahil may trabaho pa ito bukas. Ihahatid dapat siya ni Sarah sa parking lot pero hindi na ito pumayag.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon