Chapter 6 : Remember when

5.2K 50 3
                                    

My kind right kind of wrong

Chapter 6 : Remember when

Geronimo’s residence, Present day

“Good Morning ma! Pa!” bati ni Sarah sa mga magulang nag bumaba ito para kumain na ng breakfast bago pumunta sa rehearsals.

“Sarah bilisan mo kumain para hindi ka malate ha. Mamayang 11 nalang ako susunod para derecho lunch na tayo.” Sabi ni Mommy D.

“ah ganun po ba. Osige po itext niyo nalang po ako kapag papunta na kayo.”

Rehearsals ng SGL, present day

“Sars, si Bryan Termulo nga pala guest natin sa Sunday. Okay lang ba sayo?” Tanong ni Gerrome

“Ah sige po. Okay po ako jan.” sagot niya

“Alam mo bang super crush ka ni Bryan?! Isa daw siyang certified popster”

“Kuya Gerrome naman! Kung ano-ano talaga mga nasasagap mo!”

“Wag ka nang humble ng bablush ka nga oh! Pero seriously Sars ha mamaya pupunta si Bryan dito para sa rehearsal ng prod niyo dalwa be nice to him ha.”

“Oo naman. Teka kelan ba ako naging masungit sa guest natin?”

“hindi sungit or anything! Basta wag ka maAwkwardan ha! Sarah I know you. pagalam mong may gusto yung guy sa’yo lumalayo ka!” nanlaki naman ang mata ni Sarah dito.

“Oh Grabe ka naman!” defensive masyado ang dating ni Sarah sa reaksyon niya. Nang dumating si Bryan sa Studio eh agad siyang nag Hi sa mga staff at kay Sarah.

“A-ah hello po Ms. Sarah” bati nito sa dalaga

“Ay hello! Ano ka ba Sarah nalang para naman laking tanda ko sayo” bati niya na sinabayan niya ng biro. Natawa naman si Bryan dito pero ramdam ni Sarah na nahihiya sa kanya si Bryan kaya nagdecide siya na kausapin ito at nagpractice sila ng kakantahin nilang dalawa ang “Kailan”.

Hinila ni Sarah si Bryan para maupo sa may hagdan dahil sabi niya ay napapagod na siya tumayo.

“kuya music po” Sigaw ni Sarah

“Oh game ha! Galingan mo!” sabi niya kay Bryan.

“O-osige po” nahihiyang sagot nito.

Dumating na si Mommy D. sa rehearsals at nakita niya na magkausap si Sarah at Bryan na para bang hindi sila bagong magkakilala. Masayang nagkekwentuhan ang dalawa tungkol sa kani-kanilang experiences sa showbiz. Nabanggit din ni Bryan na crush niya nga ang singer at kumpleto pa niya lahat ng album nito.

“Talaga! Kumpleto mo?! aba aba! Certified popster ka pala talaga eh!”

“hindi naman” napayuko si Bryan habang namumutla ang mga pisngi

“Sarah anak!” tinawag na siya ni mommy D. “Ma, si Bryan Termulo po guest po namin sa Sunday.”

“Hello po ma’am.” Bati ni Bryan sa mommy ni Sarah.

“Hi iho.” Bati rin naman nito sa kanya. “Sarah Anak, lunch na iniintay tayo ng mga daddy mo sa restaurant. Kaya bilisan mo ha.”

“ay sige po ma teka kukunin ko lang po yung gamit ko sa dressing room.” Pumunta na si Sarah sa dressing room kasunod si Mommy D. at nagpaalam na rin it okay Bryan dahil derecho na sila sa restuarant.

OTW to the restaurant

“Siya pala yung Bryan” salita ni Mommy D.

“Opo. Ma mabait po yun si Bryan”

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon