My Right Kind of Wrong
Chapter 26: Transition of emotions
Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi namalayan nila Sarah at Gerald na mahigit sa isang taon na pala silang magkasama. Marami naring nangyari sa kanilang relasyon at miski sa kani-kanilang trabaho.
Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa teleserye nila Sarah na ngayon ay malapit nang matapos. Dahil dito ay sumikat rin ang love team nila ni Bryan na ngayon ay naging isa sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz.
Malaki narin ang pinagbago ni Sarah ngayon kesa sa Sarah noon.
Natuto na siyang humarap sa mga tao; hindi katulad noon na masyado siyang nahihiya. Hindi na siya masyadong dependent sa kaniyang magulang;
Marami naring siyang naranasan na mga bagay bagay, mabuti man o hindi.
Nalagpasan niya ang lahat ng ito nang nasa tabi niya si Gerald.
Katulad ni Sarah ay nagkaroon rin ng teleserye si Gerald na kasisimula lang.
Buo ang suporta ng dalaga sa kanyang nobyo, na mas lalo pang nagpatibay nang relasyon nila.
Nabiyayaan si Gerald ng mga magagandang projects, mga movies, at teleserye. Umani pa nga ng mga papuri ang ikalawang indie film na ginawa niya, na umabot pa sa abroad.
Sa kabila ng lahat nang ito, isa lang ang pinaka nagpapasaya kay Gerald, iyon ay si Sarah. Ang babaeng pinakamamahal niya.
****
“Babe samahan mo ko” malambing na sabi ni Sarah.
“Saan babe?” tanong naman ni Gerald na abala sa panonood nang TV.
“Kila Ate Juday”
“Sa alabang?” tanong ni Gerald
“Yup” nakangiting sabi ni Sarah.
“Bakit anong meron?”
“birthday ni Lucho, ininvite ako ni ate”
“ah sige.”
“Yes! magreready lang ako” tumakbo na si Sarah papasok ng kwarto para maghanda.
Ah ngayon na pala.. agad agad?! Natatawang sabi ni Gerald sa sarili.
Inilipat ni Gerald ang TV at nakita niya ang balita sa cinemanews.
“There are rumors spreading that Gerald Anderson and the popstar princess Sarah Geronimo are back on each others arm.” Sabi ni Bianca Gonzales.
“Pictures of them dating was posted on instagram this week.” Ipinakita ang mga pictures nila ni Sarah na magkasama sa isang hotel restaurant sa pasay.
“Babe what do you think?” Lumabas si Sarah at ipinakita ang damit na suot kay Gerald.
Tumingin ang binata sa dereksyon ni Sarah. Para siyang naging istatwa na hindi makagalaw, nang makita niya ang ganda ni Sarah sa suot na bistida.
“w-wow” napanganga lang si Gerald sa dalaga.
“Teka babe, tayo ba yan?!” tanong ni Sarah na nakaturo sa TV.
Umupo siya sa tabi ni Gerald at pinanood ang report tungkol sa kanila. “Up to now, Fans were eager to know the real deal about the two biggest celebrities in the country.”
“Babe, ano yung issue?” Humarap siya kay Gerald na nakatanga parin sa kanya.
“Babe?” sabi ni Sarah pero hindi parin natigil sa pagtitig si Gerald.
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...