My Right kind of Wrong
Chapter 12: Eyes Wide Open
5 pm na nang magland ang eroplano nila sa Paris. Sabay silang lumabas at pati narin sabay sila sa paghihintay ng mga maleta nila.
From: Ate Johna
Sars, Sa airport ka na ba? Malalate ako ng sundo. Traffic kasi nalate rin ako ng alis sa bahay. Text nalang kita kapag naajan na ako.
Nang binasa niya ang text ay iniabot ni Gerald sa kanya ang maleta niya.
“Sa, eto na yung iyo o.” sabi ni Gerald habang itinataas ang handle ng maleta.
“Is there a problem?” tanong ni Gerald nang mapansin ang itsura ni Sarah
“h-ha?! ah wala nagtext kasi si Ate. Malalate daw siya ng sundo.”
“Don’t worry I’ll wait here with you.” masayang sabi naman ni Gerald
“h-ha? Wag na baka naajan na sundo mo. Pag-iintayin mo pa.”
“Wala pa si Ken, natraffic ata. Tsaka wag ka na mahiya, tara dun ! let’s eat dinner” Sabi ni Gerald at naglakad na ito sa dereksyon ng resto at sumunod naman si Sarah.
Habang nakain sila sa resto ay may dumaan na isang pamilya ng mga Pinoy na bumate sa kanila.
“Sasa and Gege? Kayo ba yan?!! Ay naku kayo nga!!” masayang sabi ng isa sa mga ito.
“ay, hello po” bati naman ni Sarah
“A-akala namin ay hindi na kayo magkakaayos na mag babe.” Sabi naman ng isa
“Napakalayo naman ng pinuntahan niyo para magdate” biro ng isa
“Ay naku hindi po, nagkita lang po kami ni Sarah dito. May kanya kanya po kaming business po kaya po kami naandito.” Sagot ni Gerald.
“Ay ganun po ba?! Kuya Ge pwede po magpapicture?” tanung ng pinakabata sa kanila.
Pumayag naman si Gerald at si Sarah ang nagpicture sa kanila. Sumunod naman ay kasama nilang lahat si Sarah at sa pagkakataong ito ay si Gerald ang kumukuha.
Kinausap ni Gerald ang isa sa OFW habang ang lahat ay nakikipagpicturan kay Sarah.
“Excuse po, pwede po bang humingi ng favor?” tanong ni Ge.
“Oo naman baby boy.” Sabi ng isa
“Pwede po bang wag ninyo pagsabayin na iupload yung mga picture, kasi po baka magkaroon pa po ng issue eh nakakahiya naman po kay Sarah, kasi actually po ngayon lang po talaga kami nagkausap” pakiusap ni Gerald sa OFW.
“ay Oo naman, ayan mo sasabihin ko sa mga anak ko, at tsaka ayoko naman maudlot yan, pagkakamabutihan niyo ni Baby girl mo” sabi nito.
Laking pasasalamat ni Gerald at naintindihan nito ang punto niya. Hindi nagtagal ay kinailangan nang umalis ng mga ito. Nagpatuloy na sila Sarah sa pagkain at nang matapos sila ay nagkwentuhan muna sila.
“Kelan ang wedding ng ate mo?” Tanong ni Gerald
“Next week, Thursday” sagot ni Sarah
“eh si Trish kelan ung kanya?” tanong ni Sarah
“Sa Saturday”Sabi nito. “Gusto mo sama ka?” dagdag ni Gerald
“Ay wag na hindi naman kami masyadong close ni Trish, once or twice ko palang ata siya nameet eh” sabi ni Sarah
“Well, thrice na kasi sasama ka sakin” nakangiting sabi ni Gerald.
“what?! Okay lang bay un?”
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of wrong
Fanfiction"The one that got away" yan ang tingin ni Sarah at Gerald sa isa't isa. Two years after nilang maghiwalay, things started to fall apart for Gerald. He lose her girlfriend because she thinks that Gerald still have feeling for Sarah. Samantalang si Sa...