Chapter Four

60.5K 1.2K 125
                                    


Chapter Four

Cassandra

MABILIS KONG tingnan sa huling pagkakataon ang card na binigay sa akin ni Sir Trojan para tingnan kung nasa tamang lugar na ba ako.

"Remember, Miss Alonzo, all you need to do is pleasure him."

Lumanghap ako nang maraming hangin bago ko inayos ang pencil cut kong palda at sabay inalis ang tatlong butones ng blouse ko na napapailaliman ng itim kong blazer upang makita nag cleavage ng dibdib ko.

Mabilis ko ring inalis ang pagkakapusod ng buhok ko sabay hinayaang lumaylay sa likuran ko ang mahaba at natural na kulot kong buhok.

Kinuha ko rin ang lipstick sa loob ng bag ko saka nilagyan ang labi ko para hindi naman akong namumukhang maputla oras na mag-doorbell na ako sa condo unit niya.

"Aliwin mo ang pinsan ko. If it also means that you need to have sex with him, do it. I don't care. Ako na bahala sa pera na kailangan ng boyfriend mo. Name your price. Just take that Ethan out of my way!"

Muli akong napabuntong-hininga saka pinindot ang doorbell sa unit ni Ethan Mondragon.

Focus, Cass. Focus! Kailangan mo ng pera so stay cold as you can like what you always do and finish this job!

Swerte nang maituturing ang pagkakarinig ni Sir Trojan sa naging usapan namin ni Jacob at ang pagkakataon na rin mismo ang lumapit sa akin para masolusyunan 'yung kasalukuyan kong problema.

Mahal na mahal ko si Jacob kaya kahit lunukin ko pa ang pride ko sarapan ng nakakairitang babaero na Ethan na iyon, gagawin ko.

Saka may advantage na ako sa trabaho na 'to dahil hindi naman ako tanga na gusto rin ng Ethan Mondragon na iyon na maikama ako gaya ng mga babaeng nababasa ko sa balita.

Para siyang teenager na napalakas ng hormones na basta may babae, makikipagtalik siya kaagad—ganoon ang pagkakakilala ko sa personalidad niya kaya mataas ang posyento na hindi ako tatanggihan dahil ganito naman talaga ang gusto niyang makuha sa akin; katawan ko.

Wala ka talagang pinagkaiba sa ibang lalaki, Mister Mondragon.

Bigla akong naalerto nang marinig ko ang mga papalapit na yabag papunta sa pinto sabay narinig ko ang pagbaba ng door knob noon sabay bumukas ang pinto at iniluwa ang isa sa mga masasabi kong pinakamagandang lalaking naglakad sa ibabaw ng mundo.

Halos sampalin ko na ang sarili ko sa huling naisip ko.

Pero aminin ko man o hindi, wala pa ring magbabago sa katotohanang magandang nilalang ang mga Mondragon at kasama na doon si Ethan.

"Cassandra?"

Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya nang mabungaran niya ako sa tapat ng condo unit niya.

Paniguradong pinagtatakahan niya rin kung paano ko nalaman kung saan siya nakatira at ano bang dahilan at nandito ako ngayon.

Wala sa sinabi ni Sir Trojan na hindi ko p'wedeng sabihin kay Ethan ang tungkol sa plano nito pero sa tingin ko hindi ko na kailangan ng kompirmasyon mula sa kanya dahil alam ko namang hindi ko p'wedeng sabihin ang tungkol sa gusto niyang paglalayo kay Ethan sa matalik na kaibigan nitong si Eila.

"Anong ginagawa mo dito? Saka bakit..."

Hindi na natuloy ni Ethan ang mga sasabihin niya nang mapatingin siya sa dibdib ko at kitang-kita ko ang paglunok niya dahil doon.

Hindi ko maiwasang mapangisi sa isip ko dahil kumpirmado nang hindi ako mahihirapan sa bagong trabaho na binigay sa akin.

Habang nakatitig ang mga mata niya sa dibdib ko, hindi ko maiwasang mapatingin na rin sa katawan nito.

Basa pa ang buhok nito at halatang kakalabas lang ng shower nang mag-doorbell ako. Nakatapis lang din ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan nito at alam kong maraming babae ang maiinggit sa akin ngayon dahil sa mga nakikita ko o 'di kaya'y handang makipagpalit sa pwesto ko makasama lang ang Ethan Mondragon na ito.

"Mister Mondragon," tawag ko sa atensyon niya saka ako humakbang papasok sa unit niya nang walang pasabi habang siya naman ay napapaatras.

Nang tuluyan na akong makapasok sa unit niya, mabilis kong sinara gamit ang isang paa ko ang pinto na nasa likuran ko saka ko narinig ang automatic na paglock noon.

"Ano bang kailangan mo sa akin, Cassandra? Saka paano mo nalaman ang unit ko?"

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba iyon o sadyang nag-iiba na ang ekspresyon na nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Maging ang tono ng boses nito ay nag-iba na rin. Na para bang sinasakal ito o biglag natuyo ang lalamunan nito dahil sa presensya ko.

"It doesn't matter," malamig na sabi ko gaya nang madalas kong pakikipag-usap sa kanya at iba ko pang nakakasama sa trabaho. "I came here to offer my body, Mister Mondragon."

"Ano?"

Hindi na ako sumagot sa pagkalito niya at basta na lang binitawan ang leather suitcase na laging dala ko na naglalaman ng trabaho ko sabay unti-unti kong inalis ang pagkakabutones ng blazer ko at hinayaan iyon na malaglag sa sahig.

Habang naghuhubad ako sa harapan niya, napapansin kong unti-unting nawawala ang pagkalito sa mata niya sabay napapalitin iyon nang mas malalim pang reaksyon.

Bakas na bakas na sa mga mata niya ang pagnanasa nang mahubad ko na ang blouse ko at palda.

At ngayon ay nakatayo na ako sa harapan niya na suot na lang ang underwear ko saka ako dahan-dahang naglakad papunta sa kanya bago ko ipinatong ang isa kong kamay sa ibabaw ng dibdib niya.

"Cassandra, anong ginagawa mo?"

Ramdam ko na hindi na pantay ang paghinga niya at hindi na niya maitatago pa sa akin na naapektuhan siya sa itsura ko ngayon.

Marahan kong dinama ang dibdib niya saka ko dahan-dahang binaba ang palad ko sa sikmura niya, sa tyan, hanggang sa masagi ng mga daliri ko ang tali sa suot nitong tuwalya na tumatakip sa kahubaran niya.

"I'm here to seduce you, Mister Mondragon," sabi ko saka ako lumuhod sa harapan niya at inalis ang pagkakabuhol ng roba niya gamit ang bibig ko nang walang pasabi.

Narinig ako ang marahas na pag-ungol ni Ethan nang makita niya ang tuluyang pagbagsak ng manipis na tela na nagtatago ng katawan niya sa akin.

"'Huwag mong gawin sa akin 'to, Cassandra," nahihirapang sabi ni Ethan matapos kong muling tumayo sa harapan niya para salubungin ang malalalim na tingin niya.

"Akala ko ba gusto mo ko?" nang-aakit na sabi ko saka ko pinadaan ang isang daliri ko mula tainga niya pababa sa pisngi at baba niya. "'Di ba ito naman ang gusto mo sa mga babae mo, Mister Mondragon? Ang maikama sila?"

"Oo pero hindi sa ganitong paraan!"

Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Ethan sa magkabila kong balikat para ilayo ako sa kanya.

"Cassandra, hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo pero makakauwi ka na habang napipigilan ko pa ang sarili ko."

"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na magpigil ka?"

Napatingin siya sa mukha ko at muli ko na namang nakita ang gulat sa mga mata niya nang alisin ko na ang pagkakakabit ng bra ko at hinayang tumambad sa harapan niya ang malulusog kong dibdib.

"Take me, Mister Mondragon. I am being paid to be yours."

Alam ko na pagsisisihan ko mamaya ang gagawin kong 'to.

Pero para kay Jacob kakayanin ko.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon