Chapter Six

62.7K 1.2K 39
                                    


Chapter Six

Ethan

SHE HAS the most luscious lips I have ever tasted.

At ito ang kauna-unahang pagkakataon na halos mawala ako sa natitirang katinuan ko dahil lang isang halik ng babae.

Wala na kaming naging pakialam ni Cassandra kung may makakita man sa amin na naghahalikan sa hallway papuntang penthouse kung saan ako nakatira o kung may makarinig man sa mga ungol at paghabol ng hininga namin sa mga utility na posibleng nasa sa lugar at napapanood kami.

Halos madurog ko na ang katawan ni Cassandra nang maisandal ko siya bigla sa pinto ng unit ko at doon mas idinikit ang katawan ko sa kanya na maging ang hangin ay mahihiya nang mang-istorbo sa ginagawa naming dalawa.

"Cassandra."

Masasabi kong isa 'to sa mga katuparan ng pangarap ko.

Na dahil lang sa simpleng halik na ito, napunan na nito ang mga katanungang matagal nang gumugulo sa isip ko mula nang makilala ko siya.

Kung gaano ba katamis ang mga labi niya. Kung gaano ba ka-sensitibo ang balat niya sa likod ng uniporme niyang pang-sekretarya. At kung gaano magiging nakakabaliw sa pandinig ko ang mga ungol at sigaw niya oras na maglapat na ang aming mga hubad na katawan.

Tinalo ko pa ang isang batang lalaking teenager dahil sa mabilis na pagwawala ng hormones ko sa katawan.

Alam kong nababaliw lang si Cassandra para tuksuin ako na gawin ito kasama ko. Pero mas gugustuhin ko pang mabaliw na lang kaysa pakawalan pa ang pagkakataon na ito.

Siguro kapag natikman ko na siya, matatahimik na ako. Siguro mawawala na itong hindi maipaliwanag na atraksyon na nararamdaman ko para sa kanya. Siguro kapag natapos ang lahat ngayong gabi, mapapakawalan ko na siya at mababawi ko na si Eila sa kamay ng sira-ulo kong pinsan na si Trojan at tapusin na kabaliwang kontrata na iyon.

Nang maramdaman kong wala nang mahabol na hininga si Cassandra ay panandalian ko munang inilayo ang mga labi ko sa kanya at tinitigan ang mga may pagka-asul pala niyang mata.

"Ngayon ko lang napansin, na asul pala ang mata mo. Magkakulay kayo ng mata ng pinsan ko," hinihingal na sabi ko na ang tinutukoy ko ay si Ivo.

Sa lahat ng aming magpipinsan, sila Ivo at Eros lang ang nakakuha ng kulay asul na mata gaya nang sa abuela namin na may dugong italyana.

"Hindi kaya ang tinutukoy mo ay isa sa mga babae mo, Mister Mondragon?"

"Sila Ivo at Eros ang tinutukoy—teka lang sandali. Selos ba ang narinig ko sa bibig mo ngayon-ngayon lang?"

Hindi ko mapigilan na mapangisi na parang baliw doon sa ideya na baka nga nagseselos sa mga babaeng nadikit sa pangalan ko si Cassandra.

At kaya siguro siya naiinis sa akin dahil sa mga balita na babaero ako.

"Lilinawin ko lang, Miss Alonzo. Hindi ako babaero. Babae ang lumalapit sa akin. Magkaibang kaso 'yun. Saka fling lang ang mga 'yun! One night stand! Hindi ako seryoso sa kanila."

"Sa tingin mo may pakialam ako, Mister Mondragon?"

"Bakit ba hindi mo na lang kasi aminin sa akin na nagseselos ka? Saka kailan ka ba titigil d'yan sa kakatawag mo sa akin ng Mister Mondragon? Mondragon din si Trojan at iba ko pang mga pinsan. Kaya p'wede bang tawagin mo naman ako sa pangalan ko?"

Kanina lang napakainit ng mga halik na pinagsasaluhan naming dalawa. Tapos ngayon, bumabalik na naman siya sa pagiging yelo niya.

Hindi ko talaga makuha ang babae na 'to.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon