Chapter Thirteen

57.7K 1K 83
                                    


Chapter Thirteen

Cassandra

"JACOB?"

Halos hindi ko na malaman kung ano ba dapat ang ekspresyon na dapat kong ipakita sa mukha ko ngayon o kung ano bang emosyon ang mas dapat pong bigyan ng pansin sa mga oras na ito.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinapanood ko si Jacob na guluhin ang mga gamit ko pati na rin sa kanya na nasa loob ng kwarto naming dalawa at basta na lang iyon pinasok do'n sa malaking backpack na dala niya.

"H-hindi mo nasabi sa akin na uuwi ka pala..." sa wakas ay nahanap ko na rin ang dila ko at nakapagsalita. "Anong oras ka pa dumating? Bakit hindi mo ako tinawagan? Ano bang hinahanap mo? Baka matulungan kita. Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghain--"

"P'wede bang manahimik ka muna kahit sandali lang, Cassandra?" malakas na bulyaw niya sa akin. "Nakita mo namang abala ako dito, 'di ba? Tapos talak ka pa nang talak ka d'yan! Kung gusto mo talagang makatulong, lumayas ka sa harapan ko! Leche!"

Muntik na akong mapatili sa gulat nang may matigas na bagay na binato si Jacob sa direksyon ko na muntik nang tumama sa binti ko saka ako sumunod at humakbang ng ilang dipa palayo sa kanya.

"K-kung 'yan ang gusto mo... sige," mahinang usal ko. "Nasa may sala lang ako. Tawagin mo na lang ako kung kailangan mo nang tulong ko."

"Hindi na!" angil ni Jacob sabay sara ng zipper ng bag niya bago iyon isunukbit sa balikat nito. "Aaalis na rin naman ako. Kinuha ko lang ang mga damit ko."

"Saan ka na naman pupunta?"

"Pakialam mo ba? Wala ka na ro'n!" inis na sagot niya. "Saka tapos na tayo, 'di ba? May bago ka na, may bago na rin ako. Do'n ka na sa foreigner mo! Magsama na kayo!"

"Si Sir Ethan? Jacob, nagkakamali ka! Pinsan lang siya nang amo ko!"

Alam ko. Pinagmumukha ko na namang kawawa ang sarili ko nang kumapit ako sa laylayan ng damit ni Jacob.

Pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko talaga siya kahit ang sakit-sakit na. Kahit nakakaiyak na.

Kahit nakakapagod na.

Hindi ako tanga at manhid. Martyr siguro oo.

Pero masama ba 'yon? Masama bang kumapit sa maliit na pag-asa na baka mayro'n pang pag-asa para sa aming dalawa ni Jacob? Na baka p'wede pang maayos ang relasyon namin? Na baka p'wede pa kaming bumalik sa dati at magawa ko pa siyang baguhin sa huli?

Masama bang kumapit at masaktan kung ang lahat naman ng paghihirap na 'to ay para do'n sa taong mahal na mahal mo?

I still believe in Jacob. Naniniwala pa rin ako na narito pa rin sa harap ko 'yong Jacob na nakilala ko at minahal ako nang sobra. Na kahit papaano, may natitira pa ring pagmamahal sa akin si Jacob kahit kakaunti lang at kaya siya nagkakaganito dahil hindi pa rin niya makalimutan 'yong ginawa ko sa kanya.

Oo. Tanga at desperada na nga ako. Pero hindi pa rin ako bibitaw sa posibilidad na baka p'wede ko pang maayos ang lahat. Na baka p'wede pa at may pag-asa pa kaming dalawa.

Marahas na hinawi si Jacob ang mga kamay ko do'n sa damit niya saka siya nagsalita.

"Pinsan. Kalaguyo. Kakakantutan mo sa kama, wala akong pakialam, Cassandra! Kaya p'wede ba? Lubayan mo na ako? Tigil-tigilan mo na ako sa kaka-Jacob mo kasi kaunting-kaunti na lang, masasapak na kita!"

"Hindi mo na ba talaga ako mahal?"

Tinalo ko pa ang uminom ng lason nang bigkasin ko na rin sa wakas ang mga salitang alam kong makakabasag sa mga ilusyon ko para sa aming dalawa ni Jacob.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon