Chapter Nine

62.1K 1.1K 175
                                    



Chapter Nine

Cassandra

DALAWANG ARAW matapos ang huling pagkikita namin ni Ethan ay laking pasalamat ko na hindi na siya nagpaparamdam sa akin at wala na ring Mondragon ang nangungulit sa akin dito sa may pwesto ko sa labas ng opisina ni Sir Trojan.

Matapos din ng araw na iyon, sinubukan kong tawagan si Jacob para kausapin siya at kumbinsihin na bawiin ang sinabi niya. Pero hanggang sa napagod na lang ako ay hindi ko siya nakausap. Hula ko nagpalit na siya ng number o 'di kaya'y bl-in-ock ako sa contact niya. O, baka ang babae na kasama niya ngayon ang gumawa no'n sa numero ko.

Kani-kanina lang din ay pumunta akong bangko para sana mag-deposit ng pera sa account ni Jacob pero nagulat ako nang sabihin sa akin ng bank teller na nag-deposit na raw ako ng sampung milyon sa account na iyon two days ago. Kaya siniguro niya sa akin kung talaga bang maghuhulog ako ulit sa account na iyon.

"Talagang tinotoo pala niya ang pakikipag-deal kay Jacob," nasabi ko sa sarili ko.

Ngayon pakiramdam ko ay mas lalo akong nabaon sa kahihiyan sa Ethan Mondragon na iyon. At talagang ginamit pa niya ang pangalan ko as depositor sa perang binigay niya kay Jacob.

Para ano? Para ipamukha sa akin na wala na talaga akong respeto sa sarili ko? Para ipangalandakan sa akin ang pera niya? Para mas magmukha akong kaawa-awa sa harapan niya? Para ipakita sa akin na tama ang lahat ng sinasabi niya? Na hindi naman ako gano'n kamahal ni Jacob para ipagpalit ako sa pera niya?

Gustuhin ko mang ibalik sa kanya ang pera na nilagay niya sa account ni Jacob ay hindi ko magawa.

Saan naman ako kukuha nang gano'n kalaking halaga, hindi ba? 'Yung isang daang libong piso nga hindi ko pa malaman kung saan ko kukunin. Kung hindi pa dumating ang offer ni Sir Trojan, malamang hanggang ngayon, wala pa rin akong makukuha na kahit kalahati ng pera na iyon sa trabaho ko lang na 'to o kahit kumuha pa ako ng maraming part-time job. Ang sampung milyon pa kaya?

Gustuhin ko mang ibalik ang pera, wala akong magagawa. Dahil hindi naman nagpo-produce ng pera ang pride ko at talaga namang wala akong pera na p'wedeng ipambayad sa sampung milyon na binigay niya kay Jacob.

"Miss Alonzo."

Nagulat ako nang bigla kong marinig ang boses ni Sir Trojan mula sa intercom na nasa ibabaw ng mesa ko.

"Yes, Sir?" sagot ko matapos i-press ang buton doon.

"Buy us lunch," sabi nito na paniguradong kasama si Miss Delos Santos sa 'us' na binanggit niya.

"What would you prefer, Sir?"

Sa tinagal-tagal kong sekretarya dito sa TME at kay Sir Mondragon, halos kabisado ko na kung ano ang gusto niyang kainin. Hindi siya mahilig sa Filipino food saka sa mga spicy na pagkain. Ayaw niya ring lumalamig ang pagkain niya mas lalong dumadating ang pagkain niya ng late. Pero lagi ko pa ring sinisigurado kung anong gusto niya dahil minsan—at gaya nang ugali niya—pagbago-bago ito nang isip.

Tama. Ganito dapat ang pinagkakaabalahan mo, Cassandra. Hindi 'yung nag-aaksaya ka ng panahon kakaisip sa pera ng Ethan Mondragon na iyon.

Tama. Iisipin ko na lang na utang ko iyon sa kanya at kailangan kong mabayaran kapag sumapat na ang ipon ko. At magagawa ko lang iyon kung pagbubutihan ko ang trabaho ko dito sa pinsan niyang si Trojan Mondragon.

Sumpain ang lahat ng pera ng mga Mondragon!

"Anything. Bahala ka na. Bumili ka na rin ng sa'yo and make it fast."

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon