Chapter Ten

65.1K 1.2K 86
                                    


Chapter Ten

Ethan

HINDI KO magawang tumingin sa kanya sa totoo lang.

Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko pero parang mas nasasaktan pa ako sa mga sugat at pasa niya sa katawan kaysa sa kanya.

Mas nasasaktan ako dahil magmula pa kanina, hindi na siya umiimik.

Ilang beses ko na siyang tinanong kung ano bang masakit o kung gusto niya bang gamutin 'yung mga sugat niya. Kung gusto niya bang magpalit ng damit o kung gusto niya bang kumain.

Pero ni isang tango o iling wala siyang maibigay sa akin.

Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng galit sa walang-hiya niyang boyfriend.

Sino ba namang matinong lalaki ang gagawa ng gano'n sa girlfriend niya? 'Yung harap-harapang ipapahiya ang girlfriend niya sa maraming tao at harap-harapang mambabae? 'Yung hihiling na sana mamatay na ang girlfriend niya? Demonyo lang yata ang makakagawa no'n.

Talagang demonyo na ang tarantadong lalaki na iyon para gawin ang lahat ng 'to kay Cassandra.

"Cass..."

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya at itanong. Kaya lang hanggang sa pangalan niya lang ang nabanggit ng bibig ko.

Kinuha ko ang mga kamay niya na nakapatong lang sa ibabaw ng hita nito saka ako umalis sa pagkakaluhod sa harapan niya at tumabi sa kanya dito sa ibabaw ng kama ko.

"Cass, kung gusto mong umiyak, magwala o sumigaw, sige lang."

Hindi pa rin niya ako sinagot.

"Cass—"

"Ganyan ba talaga kayong mga lalaki?"

Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.

Alam kong tinatanong niya ako pero may pakiramdam din ako na hindi ito ang tamang oras para istorbohin ko siya sa mga gusto niyang sabihin.

This woman has been through a lot of hardship. I can see it on her eyes and the coldness of her soul.

At hindi na ako magtataka kung 'yung Jacob na 'yun ang dahilan kung bakit naging ganito si Cassandra.

That sick bastard!

"Kahit kailan ba hindi naging sapat sa inyo ang isang babae lang? Na dapat laging may reserba? Dapat laging may isa o dalawang extra na p'wede n'yong landi-landiin kapag nakatalikod kami? Kailangan ba talaga dalawa kami lagi sa buhay n'yo, huh?"

"Cass..."

"Binibigay naman namin sa inyo ang lahat, 'di ba? Halos isangla na namin ang mga kaluluwa namin sa demonyo mapasaya lang kayo, huwag n'yo lang kaming iwan. Maging kami lang ang nag-iisa sa buhay n'yo. Pero bakit ganyan kayo? Halos wala na kaming maitira sa mga sarili namin pero hindi pa rin 'yun sapat sa inyo? Na kulang pa rin ang ganitong uri ng pagmamahal para sa inyo, huh?"

Natigilan ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang pagharap ni Cassandra sa direksyon ko saka ko nakita ang paglambot ng ekspresyon sa mukha niya at marahang pagbagsak ng mga luha sa mata niya.

When was the last time this woman cry? Her tears are too painful to watch even without hearing the reasons why, when, where or how.

"Saan ba ako nagkulang, Ethan? Ano pa ba ang hindi ko nagawa para masaya siya, huh? Ano pa bang wala sa akin na hinahanap-hanap niya sa iba? Kailan ba ako magiging sapat sa buhay ni Jacob? Kailan?"

It pains me to see her like this.

Kung sa ibang pagkakataon, dapat matuwa ako dahil sa wakas, may ibang ekspresyon na rin akong nakita sa mukha ni Cassandra.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon