Chapter Thirty One

39.8K 704 58
                                    


Chapter Thirty One

Ethan

"ANONG IBIG mong sabihin na hindi siya pumasok? Saan ba siya nagpunta?"

"And you even dare to asked me that?" sarcastic na sagot ni Trojan sa kabilang linya. "Ethan, I know that you have a relationship with Miss Alonzo. But would you mind to make her job as my chief secretary as professional as possible? I'm not stopping you to f*ck her in the first place. Just let her do her f*cking job!"

"P'wede ba, Trojan? Alam kong pare-parehas ang likaw ng bituka natin pagdating sa sex. Pero hindi naman ako gaya n'yo nila Ivo na kung saan-saan na lang nagpapalipas ng libog!"

"Ah! Right. You're not. You're the saint in this family. But saint was not supposed to have sex with someone's company elevator during f*cking working hours! Practice what you preach, father."

Gusto ko pa sanang idepensa ang sarili ko sa mga akusasyon at obvious na pagbubuntong ng galit ni Trojan sa akin sa hindi pagpasok ni Cassandra sa pag-aakala niyang hindi koi to pinapasok o dahil hindi ito nakapasok dahil gumawa ako ng paraan para hindi ito makapasok. In my bastard cousin's dictionary, meaning sex.

"Sabihin mo kay Miss Alonzo na kung hindi na niya kayang gampanan ang trabaho niya sa akin, she's free to resign. She's not being professional with what she did."

"Kilala mo si Cass, Trojan. Hindi siya 'yong tipo ng empleyado na hindi pumapasok nang walang dahilan."

"That's why I'm asking you where the f*ck is she right now, am I?" inis na sabi pa niya saka ulit nagsalita. "I've wasted too much time talking to you. And a piece of advice. Keep your private life away from my business."

"Gaya nang ginawa mo na ring business si Eila during working hours?" nang-uuyam na sagot ko para makabawi man lang doon sa mga huling pinagsasabi niya.

"She's my woman and this is my company. I can do them both perfectly without any hassle. Can you see the satisfaction beaming from your friend? That's enough proof that I'm doing my job pretty well... and so she does with her job too."

"Laking pagsisisi ko talaga na binigay ko si Eila sa'yo."

"You don't give her to me 'cause she was meant to be mine all along."

Hindi ko na pinatapos pa sa mga pagyayabang niya si Trojan at ako na mismo ang tumapos sa pag-uusap namin.

Aminin man niya sa akin o hindi, he still saw me as a threat for him and Eila. Kaya gano'n na lang siya kabulgar sa pagkukwento ng mga kabastusan niya sa buhay sa akin.

Pero hindi si Trojan o si Eila ang mas dapat kong pinagtutuunan ng pansin ngayon.

"Kung hindi pumasok si Cass ngayong ngayon..."

Then where is she?

Cassandra

MAY NATITIRA pa akong sampung minuto bago maubos 'yong oras na binigay sa akin ni Jacob. At sampung minuto na rin ang nakakalipas magmula nang makarating ako dito sa dati naming inuupahang apartment at nakatayo lang na parang tuod sa may tapat ng pinto.

Nakalagay sa tapat ng dibdib ko ang isa kong kamay, dinadama 'yong tibok ng puso ko.

Isang bahagi ng utak ko ang sumisigaw na huwag na akong tumuloy. Na hindi magiging maganda ang pagkikita namin ni Jacob at baka mas lalo lang siyang magkaroon ng lakas ng loob na takot-takutin ako o i-blackmail ang nakaraan ko laban kay Ethan.

Pero may isang bahagi rin ang nagsasabi na kailangan kong magpakatatag, sumunod sa kung ano mang gustong mangyari ni Jacob para tigilan na niya ako at para hindi na rin nito magawa ang binabalak nitong ipapakita raw kay Ethan.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon