Chapter Nineteen

46K 872 24
                                    


Chapter Nineteen

Cassandra

ILANG ARAW pa ang tinagal namin ni Ethan sa Alta Puebo. At sa loob ng mga araw na 'yon, pinaranas niya sa akin ang kagandahan ng isla at isang bakasyon na ilang taon ko ring hindi nararanasan.

Magmula nang magkanda-leche-leche ang lahat para sa amin ni Jacob, pati nga siguro paghinga ay nakalimutan ko na. Walang araw na hindi ako stress, pagod, umiiyak at tila wala nang buhay sa kakaisip kung paano ko ba ibabalik sa dati 'yong relasyon na mayro'n kami ni Jacob.

Pero matapos nang gabing 'yon, matapos kong aminin kay Ethan ang mga gusto ko, matapos niyang ipagpilitan ang sarili niya sa akin at tanggapin 'yong mga gusto ko, napag-isip na rin ako na baka ito na nga 'yong pagbabago na hinihiling ko noon pa.

Na baka sa isang banda, hindi naman talaga dating pagmamahal ni Jacob ang gusto kong ibalik kundi 'yong sarili kong nawala nang dahil lang sa isang malaking pagkakamali at dahil sa pagmamahal sa isang lalaki nang sobra-sobra.

Sa loob din ng ilang araw na pananatili namin sa isla, nakilala ko na rin sa wakas ang mga magulang ni Ethan at pinakilala niya ako bilang girlfriend niya.

Kung noong una ay hindi pa ako sumasang-ayon sa ideya na iyon, ngayon ay wala na akong nakikitang problema. Tutal naman, higit pa sa pagiging simpleng mag-boyfriend at girlfriend ang ginagawa namin sa katawan ng isa't-isa.

Isa pa, hindi ko rin gustong madismaya ang mga magulang at pamilya ni Ethan para lang ipahiya ang anak nila sa harapan nila na wala namang ibang ginawa kundi ang matulungan ako. Idagdag mo pa na mababait ang mga magulang ni Ethan at hindi naging isyu sa kanila ang trabaho ko na may mas mababang sinasahod kaysa sa anak nilang nagmamay-ari ng maraming negosyo.

Kaya gusto kong makabawi sa kanya. Gusto kong ibalik kay Ethan ang lahat ng naging tulong at iba pa niyang nagawa para sa akin.

Kaya lang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaisip ng paraan kung paano ko 'yon magagawa sa paraan na alam kong magugustuhan at ikakatuwa niya.

Ano bang kayang ibigay ng isang gaya ko sa isang Mondragon? Sa isang lalaking halos mayro'n na ng lahat sa palad nito?

"Cass!"

Inangat ako ang tingin ko mula do'n sa laptop ko kung saan ako naghahanap ng mga ideya para makabawi kay Ethan.

"Bakit, Bianca?" tanong ko do'n sa isa sa mga trabahador ni Ethan na siya ring naging isa sa mga nakapalagayan ko ng loob magmula nang lumipat ako dito.

"Gusto mo bang sumama?"

"Sumama saan?"

"Sa paghahanda para sa birthday ni Sir," mahinang bulong nito habang napapatingin sa pinto ng opisina ni Ethan na nasa likuran ko lang. "Pinapatanong ng nasa baba kung gusto mo bang sumali sa ambagan para sa magiging surprise party namin kay Sir."

"May ganito dito?"

"Oo naman! Ano ka ba! Taon-taon kaya namin 'to ginagawa 'to!"

"Well, I'm sorry to hear that. But let me remind you na kakapasok ko pa lang sa kompanya na 'to kaya ngayon ko lang narinig ang tungkol sa bagay na 'to."

"Ay! Oo nga pala! Bakit ko ba nakalimutan?" natatawa pang sabi nito saka humingi ng paumanhin sa akin.

"So, about this plan that you're talking a while ago? Tama ba ang dinig ko na birthday ni Mister Mondragon ngayon?"

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon