Chapter Three

61.3K 1.2K 127
                                    

Chapter Three

Cassandra

"ANO? HINDI ka na naman makakauwi?" may pag-aalala sa boses na tanong ko kay Jacob na nasa kabilang linya ng telepono.

Isang Linggo na ang nakakalipas magmula ng marinig ko ang pambabae niya sa telepono at ngayon tumawag na naman siya para ipaalam na hindi na naman siya makakauwi.

"Ano naman ngayon kung hindi ako makakauwi? E, sa nag-e-enjoy ako kasama ng mga kaibigan ko, anong magagawa ko? Alam mo sa totoo lang, mas masaya pa silang kasama kaysa sa'yo!" pabulyaw na sabi niya.

"Huwag mo namang sabihin 'yan, Jacob."

"Hoy, Cassandra! Huwag mo akong simulan ah? Wala akong panahon sa pagdadrama mo at paiyak-iyak mo d'yan! Tigilan mo na nga 'yan! Hindi ako nadadala sa ganyan!"

Mabigat akong napabuntong-hininga sa sinabi niya.

Pero tama siya. Hindi ito ang oras para makaramdam ako ng lungkot o ang maiyak sa sitwasyon ko.

Kasalanan mo 'to, Cassandra. Kasalanan mo! Paulit-ulit kong sinisigaw ang mga salita na iyan sa utak ko sa tuwing nagkakaganito si Jacob.

Saka isa pa, nasa opisina ako ngayon at oras ng trabaho kaya hindi ko p'wedeng hayaan na may makakita sa akin na nagiging emosyunal nang dahil kay Jacob. At isa pa, baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkawala ko ng trabaho oras na si Sir Trojan mismo ang makakita sa magiging itsura ko.

Kumalma ka lang, Cass, mahinahong sabi ng boses sa utak ko saka ako huminga nang malalim bago muling binalik ang atensyon ko sa kausap ko sa telepono.

"Kumakain ka ba nang maayos d'yan?"

"Malamang! Alangan namang gutumin ko ang sarili ko dahil wala ka?" aburidong sagot ni Jacob. "Cassandra, gusto ko lang ipaalala sa'yo na matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko. Saka huwag kang umarte na ikaw ang pinaka-espesyal na babae sa mundo para luhuran ko o kabaliwan ko dahil alam na alam nating pareho na hindi ikaw 'yun!"

Humigpit ang kapit ko sa telepono ko para pigilan ang pagdaloy ng masasamang alaala sa isip ko dahil doon sa pagpaparinig na ginawa ni Jacob.

"Mabuti naman kung gano'n," nasabi ko na lang. "Mag-ingat ka na lang palagi d'yan saka tawagan mo na lang ulit ako kapag may kailangan ka o uuwi ka na para naman maipaghanda kita ng paborito mong pagkain pag-uwi mo."

Ilalayo ko na sana ang telepono sa tainga ko nang muling magsalita si Jacob.

"Sandali lang nga! Ang dami mo kasing satsat, e! Hindi ko na tuloy nasabi 'yung dahilan ng pagtawag ko!"

Sa puso ko, umaasa pa rin ako na babalik kami ni Jacob sa datil. Doon sa panahon na masayang-masaya kami at mahal na mahal namin ang isa't-isa. Sa panahon na siya 'yung nagiging sandalan ko kapag hindi ko na kaya.

Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na kapag nauunang tumawag sa akin si Jacob, ang ibig sabihin noon ay nami-miss na niya ako at gusto na niya akong makita o makasama gaya na lang ng sinasabi niya sa akin noon.

Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na maibabalik ng pagsisisi at hirap ko ang pagmamahal sa akin ni Jacob.

Pero alam kong gawa-gawa lang iyon ng imahinasyon ko.

"Lagyan mo nga ulit ng pera 'tong ATM ko! Nakakaasar! Ubos na ang laman!"

"Pero, Jacob, kakalagay ko lang d'yan ng fifty thousand noong nakaraang Linggo."

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon