Chapter Two

89.4K 1.4K 92
                                    

Chapter Two

Ethan

"KUMUSTA NAMAN ang unang araw mo sa trabaho? Hindi ka naman siguro pinahirapan ni Trojan hindi ba?"

Napabuntong-hininga muna si Eila bago niya ininom 'yung kape na nilibre ko sa kanya saka nagsalita.

"Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin," sabi ni Eila na parang sarili niya lang ang kinakausap niya at hindi talaga ako. "Okay naman ang trabaho ko. Medyo pumalpak ako noong una kasi nangangapa pa ako pero ewan ko ba! Mas nahihirapan ako sa personality ng pinsan mo."

"Personality?"

"Oo. Nakaka-intimidate kasi siya saka pakiramdam ko lagi niya akong minamanmanan. Alam mo 'yun? Parang lagi siyang nakabantay sa kilos at galaw ko? Na parang inaabangan niya talaga na magkamali ako?"

Hindi na lang ako sumagot doon sa sinabi niya at sinumulan na ring inumin 'yung kape ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mabilis natanggap si Eila sa isang metikulusong gaya ni Trojan. Ni hindi man lang dumaan si Eila sa screening o interview. Basta tinanggap na lang niya at wala nang tanong-tanong pa.

Hindi naman sa sinasabi ko na hindi nababagay magtrabaho ang kaibigan ko sa kompanya ni Trojan. Nagtataka lang talaga ako bakit ang bilis niyang tinanggap si Eila.

Pero nasa isip ko rin ang posibilidad na kaya natanggap si Eila dahil sa itsura nito.

Hindi lang pala-ayos si Eila pero walang matinong lalaki ang hindi makakapansin sa ganda niya. Mapapadalawang lingon ka talaga para lang matitigan 'yung ka-inosentehan pero sexy ring mukha at katawan ni Eila.

Kaya nga masyado akong protective sa kanya.

Mula pa lang College, ako na ang tumatayong guardian ni Eila pero ni minsan hindi ko iyon pinaalam sa kanya.

Mataas ang pride ni Eila. Oras na malaman niyang ako 'yung tumulong sa kanya para makaraos sa College o bumili at nagbayad ng apartment na tinitirahan niya ngayon, siguradong ibabalik niya ang lahat sa akin sa isang kisap-mata lang.

Gusto ko si Eila pero bilang kaibigan lang.

Siya lang kasi ang kauna-unahang babae na hindi nagpakita ng interest sa akin na hindi ko kamag-anak.

Para ko na siyang kapatid. At mapapatay ko talaga si Trojan oras na malaman ko na kaya niya lang kinuha si Eila para lang gawing fuck buddy nito gaya no'ng mga nakaraang babaeng dumaan sa buhay ng sira-ulong pinsan ko na iyon.

"Si Miss Alonzo ba iyon?"

Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtayo ko sa kinauupuan ko sabay hanap kay Cass nang mabanggit ito ni Eila.

"Nasaan?"

"'Ayun, o! 'Yung nasa may counter? Hindi ba siya iyon?"

Napangiti ako sa sarili ko saka nagpaalam muna sandali kay Eila bago ako lumapit kay Cass.

"Magkano?" dinig kong tanong niya sa cashier ng coffee house na ito.

Pero bago pa makapaglabas ng pera sa wallet niyang nakalabas si Cass ay mabilis ko ng inabot sa tao sa counter ang credit card ko.

"Ako na ang magbabayad sa ginastos ng napakagandang binibini na ito."

Mabilis kong binigyan si Cassandra ng pinaka-charming na kindat at ngiti na kinababaliwan ng mga babae sa akin.

Pero gaya ng mga naging resulta ng pagpapa-cute ko sa kanya, wala man lang akong nakuhang reaksyon doon sa mukha niya.

Ano ba naman 'tong babaeng 'to! Babae ba talaga 'to o bato? sa isip ko.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon