Chapter Thirty Three

41.9K 841 23
                                    



Chapter Thirty Three

Cassandra

"ETHAN, HINDI mo na kailangang gawin 'to."

Ilang araw matapos matanggap ni Ethan ang video na pinadala sa kanya ni Jacob maging ang naging komprontasyon na nangyari sa amin, niyaya niya ako na bumalik sa Leyte at pumunta sa bahay ng mga magulang ko para pormal na hingin ang kamay ko mula sa kanila.

Maraming beses ko nang sinabi sa kanya sa byahe na hindi na niya kailangan gawin 'to, na kahit ano pang gawin niya, wala rin naman magiging pakialam sa akin sila Mama at Papa dahil matagal na nila akong itinakwil sa pamilya nila.

"Love, let me do this. Kung hindi sila pumayag o hindi ka pa rin nila gustong makita, then, so be it. Hindi ko na ipipilit," sagot niya saka niya ako marahang hinila para halikan ako sa noo. "Hindi ako 'yung tipo ng tao na susuko agad nang hindi man lang sumusubok. Call me selfish but I still want to do this the right way."

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka napatango sa kanya bago binalik ang tingin ko sa harapan ng bahay na ilang taon ko na ring hindi nadadalaw.

Ngayong nandito na ulit ako, bumalik sa akin 'yung mga maling desisyon na ginawa ko sa buhay ko noon.

Sana nakinig na lang ako sa mga magulang ko no'ng pinagbawalan nila ako na makipagrelasyon pa kay Jacob. Na sana sumunod na lang ako para hindi ko na naranasan ang lahat ng hirap na 'yun sa ibang bansa at maging sa mismong kamay na rin ni Jacob.

Na sana noon pa man, mas naging matalino na ako na huwag pairalin ang gusto ng puso ko at mas sinunod na lang sana ang tama at praktikal.

Pinindot na ni Ethan 'yung doorbell. Pero sa una niyang subok ay walang sumagot.

Sa bawat segundo na nagtatagal kami dito, mas lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Sa takot. Sa mga posibleng mangyari oras na makita ulit ako nila Mama.

"Ethan, sa ibang araw na lang kaya natin gawin 'to?" sabi ko sabay pigil sa kanya no'ng pipindutin niya sana ulit ang doorbell.

Matagal napatingin sa mga mata ko sa Ethan saka siya ngumiti sa akin at hinaplos ang buhok ko at inalis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko.

"Cass, I know you're scared. And trust me when I say that I'm also scared," marahang sabi niya habang patuloy na dumadama 'yong kamay niya sa mukha ko. "Alam ko kung anong tumatakbo dyan sa utak mo ngayon kahit hindi mo sabihin sa akin. To be honest, hindi ko rin alam kung ito nga ba talaga ang makakabuti sa'yo o sa atin. But I'm willing to take the risk. Because I want to help you, love. I want you to be free from your past. At gusto ko na dito tayo magsimula."

"Hindi mo kilala ang mga magulang ko, Ethan."

"I know. And I already prepare myself for the worst. I mean, sinong magulang ang matitiis nang ganito katagal ang anak nila, hindi ba?"

"Kung gano'n, ano pang ginagawa natin dito? Umalis na tayo—"

"Cassandra."

Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ulit ang boses na iyon.

"Cassandra, anak. Ikaw nga ba 'yan?"

My heart was made of ice. I was supposed to feel nothing.

Pero no'ng narinig ko ulit ang salitang anak sa bibig niya, hindi ko na napigilan ang mga luha na bumagsak sa mata ko.

Naramdaman ko na napansin ni Ethan 'yung nangyari sa akin pero pinili niya na huwag na lang magsalita o gumawa ng kahit ano at hinayaan na lang ako na tumalikod sa taong tumatawag sa akin.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon