Chapter Sixteen

48.4K 924 29
                                    

Chapter Sixteen

Cassandra

"GUSTO KITANG ipakilala sa mga magulang ko, Cass."

Bigla kong nabitawan ang mga folder na hawak-hawak ko na gagamitin para sa meeting kasama ang mga new investors sa kompanya nila Ethan sabay napanganga matapos niyang sabihin ang mga nakakakilabot na mga salitang 'yon.

"Anong sinabi mo?"

"I want to introduced you to my parents," pag-uulit nga niya. "May family dinner kami mamaya at gusto ko, ikaw ang maging date ko."

Ilang sandali pa akong napatanga do'n sa mga sinasabi niya bago ko iniling ang ulo ko saka ko sinubukang pakalmahin ang sarili ko at isipin na nagkamali lang ang tainga ko sa mga narinig ko.

"I'm sorry if this seems annoying but will you repeat what you said just now?"

Hindi ko inaasahan ang isang tawa na sagot mula sa kanya bago niya pinakita sa akin ang mala-toothpaste commercial niyang ngiti saka sumagot.

"Bakit gulat na gulat ka? Iniisip mo ba talaga hindi ko magagawang yayain kang kumain kasama ang mga magulang ko?"

"Hindi ko kasi makita ang purpose ng pagyaya mo sa akin, Mister Mondragon," magalang at business-like na sagot ko.

"Kailangan ba lahat ng bagay may purpose?" Napataas pa siya sa isang kilay niya nang itanong niya 'to. "Saka hindi mo ba ako narinig? Gusto kitang dalhin bilang date. Anong kagulat-gulat do'n?"

"Ikaw na rin ang nagsabi na family dinner 'yon kaya hindi mo dapat niyaya ang kagaya ko na wala namang kinalaman sa pamilya mo," pagdidiin ko pa.

Sinimulan kong pulutin 'yong mga folder at papel na nagkalat sa sahig at habang ginagawa ko 'yon ay nakita ko siya sa gilid ng mata ko na tumutulong sa pagkuha ng mga bagay na nagkalat sa sahig.

"Sinabi ko na sa'yo no'ng isang araw na gusto kong gawing opisyal ang lahat para sa atin, Cass," sagot niya nang hindi man lang inaabala ang sarili niya na titigan ako. "And to start, I want to introduce you to my parents as my girlfriend."

"Woah! Hold it right there, Mister!" biglang sabi ko saka tumayo. "Nasisiraan ka na ba?"

"Hindi. The last time I checked, I'm perfectly sane," malokong sagot pa niya.

"At kailan mo pa ako naging girlfriend?"

"Since the other night?"

"Oh really?" Ako naman ngayon ang napataas ng kilay sa kanya sabay humalukipkip. "Would you elaborate the when and where's of this me being your girlfriend thing, Mister Mondragon?"

"Ah... we already had countless sex, here and outside the office. We go out. We date. We dance. We always make out. Hindi pa ba considered 'yon para maging girlfriend kita, Cass?"

Hindi ako makapaniwala sa lakas ng loob at kapal ng mukha ng taong kaharap ko ngayon.

He seems gentle and very kind the other night. Tapos ngayon nakikita ko na naman sa kanya 'yong Ethan na araw-araw bumubwisit sa araw ko no'ng nagtatrabaho pa ako sa pinsan nitong si Sir Trojan.

"Alam mo, tama talaga 'yong mga nababasa kong balita tungkol sa'yo."

"About what?"

"About being a professional womanizer," walang emosyon na sagot ko. "Sa ganitong paraan mo ba napapa-oo ang mga babaeng nakaka-date mo noon?"

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon