Chapter Twenty Eight

40.4K 791 23
                                    


Chapter Twenty Eight

Cassandra

"MASAYA AKO na nakabalik ka na dito, Cassandra!"

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang salubungin ako ng bati at yakap ni Miss Delos Santos pagkatapak na pagtapak ko pa lang sa labas ng opisina ni Sir Trojan, doon sa pwestong naiwan ko sa kumpanya at kay Miss Delos Santos na rin mismo.

Isang araw matapos naming makabalik ni Ethan dito sa Manila mula sa Leyte ay dumerecho na agad ako sa TME para muling mag-report at bumalik sa pagtatrabaho sa kumpanya ni Sir Trojan,

"Hindi mo naman siguro minamaltrato si Cassandra doon sa opisina mo ano, Ethan?" nakapamaywang na tanong nito do'n sa kasama ko na siya ring naghatid sa akin pabalik dito sa lugar na 'to.

"Bakit ako? Kilala mo ako, Eila. Alam mong wala sa bokabularyo ko ang manakit ng babae!" nakataas pa ang dalawang kamay nito sa ere nang sabihin ang mga bagay na 'yon.

"Mas lalo tuloy akong natakot. Knowing you, alam kong hindi lang isa ang babaeng umiyak nang dahil sa'yo. And yes, Ethan. Kilala nga kita."

"Bakit ganyan ang salubong mo sa akin? Si Cass may yakap tapos akong best friend mo, wala? What makes you so cold, Eila?"

"Ang mas mabuting tanong, kailan ba kita sinalubong ng yakap?" nakataas pa ang kilay nito nang sabihin iyon pero maya-maya lang ay marahan din itong natawa. "Biro lang. I miss you, Ethan. Welcome back."

Tahimik ko lang silang pinapanood na nag-uusap at kung paano nagniningning ang mga mata ni Ethan sa tuwing nakakasagutan niya si Miss Delos Santos at kung paano nagtutunong masaya at malaman ang tawa niya kumpara sa ibang tawa na nakikita at naririnig ko sa kanya.

Alam kong hindi ako dapat magselos dahil nilinaw na naman sa akin ni Ethan na hanggang kaibigan lang ang tingin niya kay Miss Delos Santos.

Pero kahit ilang beses kong ulit-ulitin ang sinabi niya na 'yon, kahit ilang beses kong pilitin ang sarili ko na huwag mag-isip nang masama at maging lohikal sa sitwasyon, kahit alam kong wala akong dapat ikaduda...

Hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng kaunting kirot habang pinapanood ko sila.

"Nananaba ka yata ngayon? The last time I saw you, you look thinner."

"Talaga? Hindi nga?"

"Yes. But you also look healthier. Mukhang maganda ang alaga ng pinsan kong—"

I don't know what made him stop.

Hindi ko alam kung napansin lang ba niya talaga o kitang-kita na sa mukha ko 'yong umaahon sa aking selos, 'yong inggit, 'yong pagkakaalala ko sa parehong sitwasyon na nakikita ko ngayon sa dating relasyon na mayro'n ako at kung ano-ano pang insekyuridad na umaahon sa dibdib ko habang pinapanood ko silang dalawa.

Basta nagulat na lang ako na nakatayo na siya sa tabi ko, nakapulupot ang isang kamay sa baywang ko saka ko naramdaman 'yong marahan niyang paghalik sa ibabaw ng ulo ko sabay may binulong sa tainga ko.

"I love you."

Nilingon ko siya sabay inangat ang tingin ko sa mukha niya para salubungin ang mga tingin na binibigay niya sa akin.

I love him. I want to possess him. Gusto ko sa akin lang siya.

I don't care kung matagal na silang magkaibigan ni Miss Delos Santos o kung ako ang mas mahal niya.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon