Chapter Seven

66K 1.2K 91
                                    



Chapter Seven

Cassandra

MAHIGPIT AKONG napakapit sa buhok ni Ethan nang sabay kaming bumagsak sa ibabaw ng napakalambot niyang kama.

Halos maubusan na ako nang hininga dahil sa pagkalunod sa malalim niyang halik.

Pero wala akong pakialam.

Patayin man niya ako sa ganitong paraan, ayos lang. Mas okay nang mamatay ngayon kaysa naman ma-disappoint ang mga taong umaasa na magagawa ko ang bagay na ito gaya na lang ni Sir Trojan mas lalo na si Jacob.

Alam kong pagtataksil ang magiging resulta ng gagawin ko pero sa ganitong paraan ko lang talaga mabibigay ang mga gusto ni Jacob.

Impit akong napaungol nang maramdahan ko isang kamay ni Ethan nang pumasok ito sa loob ng blouse ko.

Para akong napaso nang sumayad na ang kamay niya sa tiyan ko at mas lalo lang tumintindi ang init na nanggagaling sa mga kamay niya habang papakyat ito nang paakyat papunta sa dibdib ko.

Mariin akong napakagat sa labi ko nang bumaba sa leeg ko ang mga labi ni Ethan at nang dumapo na sa ibabaw ng dibdib ko ang isang kamay niya at marahang minasahe ang mga ito.

"Cassandra."

Ngayon ko lang napansin kung gaano kalalim ang boses ni Ethan at hindi ko ikakaila na napaka-sexy ng boses niya para sa pandinig ko ngayon.

O, baka dahil lang iyon sa ginagawa namin ngayon. Hindi ko alam.

Muling nagpantay ang mga mukha namin ni Ethan saka bumbaba ang labi niya sa labi ko para sa isang malalim na halik.

Nararamdaman ko ang pagmamadali sa pagkilos niya na alisin ang mga tela sa katawan ko kaya tinulungan ko na siya na hubarin ang palda ko habang siya naman ang nagtatanggal sa pang-itaas kong damit nang hindi naghihiwalay ang mga labi namin.

Nang salubungin na ng lamig ng kwarto ang katawan kong wala nang saplot sa ilalim niya ay marahan kong ipinulupot ang mga braso ko sa batok niya bago dinama ng mga kamay ko ang malambot niyang buhok saka siya mas hinila pa palapit sa katawan ko.

Hindi ko na napigilan ang paglabas ng isang ungol sa bibig ko nang kagatin ni Ethan ang pang-ibabang labi ko para pwersahang bumuka ang labi ko at pumasok ang dila niya sa loob.

Pakiramdam ko ay sinasakop na ng bibig niya ang buong pagkatao ko maging ang naglulumikot niyang kamay kamay sa ibabaw ng dibdib ko at iba pang parte ng katawan ko.

Pero hindi ko siya sinuway sa mga iyon.

Para akong biglang nasiraan ng bait at hinahayaan na lang ang lalaki na ito na manghimasok at mangealam sa katawan ko.

Ah. Oo nga pala. Binayaran pala ako para gawin 'to sa kanya, sa isip ko.

Nang muli kong maalala ang ipinunta ko dito sa unit niya, dahan-dahan kong pinadausdos ang isang kamay ko mula doon sa ulo niya, pababa sa batok, balikat at sa likuran niya pababa hanggang sa marating ko ang telang tumatapis sa kahubaran niya mula sa akin sabay marahan na hinila iyon palayo sa katawan niya.

Malalim akong napasinghap nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa ibabang parte ng katawan niya na tumatama sa puson ko.

Bigla akong napakuyom sa kamao ko nang maramdaman ko muli ang bagay na iyon saka tumigil sa pagtugon sa pakikipag-espada ng dila niya sa dila ko. At mabilis naman niyang napansin ang bagay na iyon.

"What's wrong, love?"

Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya pero may nababakas din akong pag-aalala sa mga iyon.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon