Chapter Twenty

44.6K 1K 61
                                    


Chapter Twenty

Ethan's POV

"HAPPY BIRTHDAY, Sir Ethan!"

Mabilis akong napangiti nang marinig ako ang sabay-sabay na pagbati ng mga kasamahan ko sa trabaho saka ko inikot ang tingin ko sa kanilang lahat bago iyon huminto sa babaeng may hawak ng cake.

"Happy birthday, Mister Mondragon."

Bahagya akong napakunot-noo sa malamig at mala-robot na namang pakikipag-usap sa akin ni Cassandra pero isinantabi ko na lang 'yon at inisip na baka kaya siya nagkakagano'n dahil may iba kaming kasama sa kwarto.

"Thank you, Cass. Pati na rin sa inyo. Taon-taon n'yo na lang akong hinahandaan. At taon-taon ko lang sinasabi na hindi n'yo na kailangan gawin pa 'to."

"Grabe ka naman, Sir! Para namang nasayang 'yong effort namin d'yan sa sinabi mo!" sagot no'ng isa kong empleyado sa Finance Department.

"Oo nga, Sir! Ang mahal pa naman ng ambagan namin tapos ganyan kayo?"

"Tama! Saka tumulong din po kaya si Miss Alonzo sa amin ngayong taon. Pati ba naman effort ng bago n'yong empleyado ay binabale-wala n'yo?"

I turned my head to Cassandra again and I can't help but have this crazy smile on my lips after the last thing that I have heard.

"Totoo ba, Cass? Tumulong ka sa paghahanda nila?"

"Opo, Sir! Si Miss Cassandra nga po ang nag-ayos ng lahat. Tumulong lang kami sa pagkain at pag-aayos nitong opisina n'yo."

"Ang professional nga ni Miss Alonzo, Sir. Mabait na at maganda pa. Nako, Sir! Swerte n'yo talaga sa bago n'yong secretary!"

Nginitian ko na lang ang mga trabahodor ko sa kompanya saka umusal ulit ng pasasalamat bago ko binalik ang tingin ko sa mukha ni Cass.

"What's wrong?" mahina kong bulong no'ng wala pa ring nagbabago sa ekspresyon sa mukha niya. "Are you okay?"

"I'm fine, Mister Mondragon. Thank you for your concern."

Gusto ko pa sanang magtanong kay Cass kung bakit na naman siya bumalik sa dati niyang pakikipag-usap sa'kin. Hindi rin kasi mawala sa isip ko na baka hindi lang 'to normal na pagiging propesyunal ni Cass sa trabaho.

Pero sa bandang huli ay hindi ko rin nagawa dahil nahila na ako ng mga kasama namin sa kwarto para i-celebrate ang birthday ko.

Sa mga lumipas na oras, ilang beses kong binalak na kausapin si Cass at tanungin kung anong problema. Pero gaya ng mga nauna niyang sagot sa'kin, wala pa rin akong nakuhang matinong sagot sa kanya.


"CASS!"

Patakbo akong lumapit sa direksyon niya para habulin siya sa akma niyang paglabas ng building.

"May kailangan pa ba kayo, Mister Mondragon?"

"Ako dapat ang magtanong n'yan sa'yo," salubong ko sa kanya. "Bakit bigla ka na lang umallis do'n? Akala ko ba kasama ka do'n sa naghanap ng surprise party nila? Tapos bigla ka na lang mawawala?"

"Marami pa akong dapat asikasuhin kaysa sa makipag-celebrate kasama n'yo, Mister Mondragon," pormal at tila robot na sagot niya sa akin. "Isa pa, tapos na rin ang oras ko ng trabaho. Kaya kung wala na kayong ibang kailangan sa akin, mauuna na po ako."

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon