Chapter Seventeen

49.2K 969 38
                                    

Chapter Seventeen

Cassandra

HINDI ITO ang kauna-unahang pagkakataon na nakarating ako sa malaking isla na 'to ng mga Mondragon, ang Alta Puebo.

Pero kahit pangatlong beses ko nang napunta dito, hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa ganda ng isla maging sa asul na asul na dagat na nakapaligid dito.

"Ayos ka lang ba?" narinig kong malakas na sigaw ni Ethan matapos naming makababa ng private chopper niya na nagdala sa akin dito.

"Fuck you," mahinang tugon ko.

Alam ko namang hindi niya maririnig ang sagot ko na 'yon dahil sa lakas ng propeller ng chopper.

Pero dahil in born na yata sa lalaki na 'to ang bwisitin ang bawat araw ng buhay ko, sinagot niya ang sinabi ko sa kanya.

"I know how much we want each other, love. Pero p'wede bang hayaan mo munang makarating tayo sa mansyon, sa kama, saka mo na ako abusuhin ng ganyan?"

"I cannot believe with your ego, Mister Mondragon," sarcastic na sabi ko. "Minsan talaga hindi ko maiwasang humanga d'yan sa kakapalan ng mukha mo."

"At least I still impress you. Mas mabuti na 'yon at least mas magkakaroon ako ng kompyansa na magkakagusto ka rin sa akin."

Napapailing na lang ako sa kanya saka ako nagsimulang maglakad palayo sa chopper dahil naiirita na rin ako sa pagtama ng buhok ko sa mukha ko maging 'yong mga buhagin na tumatama sa sapatos at balat ko.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago tuluyang umalis sa harapan namin 'yong chopper na nagdala sa amin sa isla. Matapos no'n at nakapamaywang akong humarap sa kanya.

"So, what now, Mister Mondragon? Ano pang paglabag sa human rights ang gagawin mo sa akin?"

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" natatawa pang tanong niya.

I cannot believe that he can still laugh behind my obvious fury.

"Ano ba talaga ang dahilan mo kung bakit mo ako gustong dalhin dito, Mister Mondragon? Because I'm sure na hindi lang simpleng date for a family dinner ang kailangan mo sa akin."

"Hindi nga," sabi niya saka niya biglang nilapit ang mukha niya sa akin. "I told you so many times that I want all of you, Cass. Hindi lang simpleng date o dinner ang gusto ko sa'yo..." dugtong pa niya saka niya nilapit ang bibig niya sa tainga ko at bumulong doon. "Much more. I demand more of you, Miss Cassandra Alonzo."

Hindi ko alam kung dahil lang ba 'yon sa sikat ng kalagitnaang-hapong araw kaya bigla na lang nag-init ng buong katawan ko. O, baka dahil 'yon sa mapang-akit na paraan ng tono na ginamit ni Ethan do'n sa mga huling sinabi niya.

Our eyes met for few seconds but I almost burned from the fire that illuminates on his eyes.

And I think it has the same effect on him.

"Why are you irresistible especially when you're mad, Cassandra?"

"You're just horny, Mister Mondragon. I'm no special."

Hindi ko inaasahan na bigla siyang matatawa do'n sa naging huling sagot ko sa kanya.

"Who would have thought that Miss Cassandra Alonzo can make a hilarious pun like this?" natatawa pa ring sabi niya. "You know what, Cass? I'm a very lucky man."

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon