Chapter Thirty Nine

41.6K 816 51
                                    

Chapter Thirty Nine

Cassandra

"ANO NAMANG masamang hangin ang nagdala sa'yo dito? Akala ko ba sinumpa n'yo na ng syota mong hilaw 'yong pagmumukha ko?"

Pinilit kong huwag magpakita ng kahit anong ekspresyon sa mukha ko gaya ng madalas kong ginagawa noon matapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon pagkaupong-pagkaupo niya sa harapan ko.

Nandito ako ngayon sa prisinto kung saan pinakulong nila Sir Trojan at Ethan si Jacob dahil na rin sa patong-patong na kaso nito gaya na lamang ng assault.

No'ng tanungin ko pa sa pulis kanina kung ano ang naging kaso ni Jacob, napakunot-noo ako doon sa mga krimen at murder na nakapatong sa pangalan nito. May nabasa pa akong kidnapping at iba pang krimen na hindi ko maiisip na magagawa niya.

"Masaya ka na ba? Nakaganti ka na ba sa ginawa ko sa'yo noon?" nakangising tanong nito nang mahuli niya ang mga tingin ko. "Ang sarap na siguro ng buhay mo ngayon ano, Cassandra? May mayamang syota na may pinsang kayang baluktutin ang batas. Ano pa kaya kayang gawin ng katawan mo na 'yan?"

Bigla kong naiyakap sa sarili ko ang mga braso ko nang makita ko 'yong malisyosong tingin ni Jacob ng pasadahan nito ng tingin ang katawan ko. Nagawa pa nitong sumilip sa ilalim ng mesa para makita ang binti na mabilis ko ring isinara nang maalala ko naka-uniporme pa rin ako pang-opisina at walang suot na safety short.

"Hindi mo na mahahawakan ngayon, Jacob," pinilit kong patapangin 'yong boses ko para hindi magmukhang mahina sa kanya dahil alam ko na para ko na rin siyang pinanalo kung magpapakita ako ng takot sa kanya.

"Talaga lang, ha?" nang-uuyam at nakangising sabi nito.

Nasa kalagitnaan ako ng lunch break ko nang maisipan kong bisitahin si Jacob dito sa prisinto bilang huling pamamaalam ko na rin sa kanya. Isa pa, nangako ako sa sarili ko na matapos ng pagkikita namin na 'to, kakalimutan ko na ang kahit ano maliban sa kanya at lahat ng mga hindi niyang nagawa sa akin.

"Ang ganda ng singsing mo, ah? Mukha pang mahal."

Nagulat ako nang marahas hilain ni Jacob 'yong kamay ko kung nasaan ang engagement ring namin ni Ethan. Pero sandali lang ang gulat na naramdaman ko dahil mabilis ko ring nahila ang kamay ko pabalik.

"Pumunta ako dito para tuluyan na akong maka-move on sa'yo, Jacob. Kaya sana lang, ibigay mo na rin sa akin 'yong kalayaan na gusto ko. Huwag mo na kaming guluhin."

Tumaas lang ang isang kilay nito sa akin maging ang isang gilid ng labi nito na tila ba may gusto pa itong sabihin sa akin pero pinili na lang nito na paglaruan ako para mag-isip ng kung ano-anong kahulugan sa ngising pinapakita nito.

Wala sa loob na napatingin ako kay Jacob.

Sa loob ng ilang buwan nitong pagkakakulong magmula nang magpang-abot sila ni Ethan sa basement ng kompanya ni Sir Trojan, ang laki na ng pinagbago nito.

May balbas at bigote na ito dala ng ilang araw na hindi pag-ahit. Bahagya ring naninigas 'yong buhok nito dahil siguro sa kawalan ng sapat na kagamitan panligo. Maging ang mga kuko at pananamit nito ay malayong-malayo sa Jacob na sobrang laki sa luho—mula sa magulang nito nang hindi pa ito tinatakwil sa kanila at maging mula na rin sa pagpapaalipin ko sa mga kapritso niya.

Isa pa sa pinakamalaking pagbabago na napansin ko ay ang paglaki ng katawan nito na tila ba sobrang nabanat ang katawan nito sa loob ng ilang buwan nitong pagkakapanatili sa prisinto.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon