Chapter One

117K 1.8K 194
                                    

Chapter One

Cassandra

"CASSANDRA, ANO ba? Wala pa rin ba 'yung agahan nating dalawa?"

"Sandali na lang matatapos na!"

Ganito lagi ang eksena na sumasalubong sa akin tuwing umaga.

Siya sinisigaw-sigawan at inutusan ako habang ako naman si sunod lang ng sunod.

"Heto na," sabi ko sabay hain sa harapan niya ng sinangag na kanin at pritong itlog.

"Bakit ito na naman? Araw-araw na lang ba ganito ipapakain mo sa akin?"

"Pasensya ka na. 'Yan lang nakayanan ko. Nagmamadali na kasi ako dahil may maaga pang meeting ang amo ko ngayon. Kailangan ko pang i-check ang loob ng conference—"

"P'wes kung alam mo pa lang maaga kang aalis, 'di sana maaga kang gumising! Boba!"

Parating ganito.

Sa bawat araw ng buhay ko, walang oras na hindi niya ako sinisigawan. Pinapagalitan o 'di kaya tinatawag sa mga masasakit na pangalan gaya na lang ng boba, inutil, tanga o walang silbi.

Pero dahil mahal ko siya, dahil sa mahal na mahal na mahal ko si Jacob, tinitiis ko ang lahat ng masasakit na sinasabi niya.

Basta huwag niya lang akong iwan, kakayanin ko ang lahat.

"Babawi na lang ako mamaya pag-uwi ko," sabi ko sabay pulupot ng mga braso ko sa balikat niya mula sa likuran bago ko marahang pinatong ang baba ko sa balikat niya. "Pangako. Ipagluluto kita ng paborito mo—"

"Sige na! Sige na!" pagtataboy niya sa akin saka ako tinulak palayo sa kanya. "Umalis ka na! Baka lalo pang masira ang araw ko sa'yo!"

Matagal pa akong napatingin sa mukha ni Jacob bago ako napabuntong-hininga saka kinuha ang leather file bag ko.

"Mauna na ako," humalik pa ako sa pisngi niya pero pinunansan niya lang iyon.

"Nilagyan mo pa ako ng lipstick mo. Layas na!"

Pagkasara na pagkasara ko sa pinto ng apartment naming dalawa ni Jacob ay inayos ko na ang mukha ko sa mukha na laging nakikita sa akin ng mga tao.

Walang emosyon.

Araw-araw, wala akong pinapakitang emosyon sa ibang tao na nakakasalamuha ko, kahit sa mga kasama ko sa trabaho.

Ayokong magmukhang mahina sa lahat o 'di kaya may makapansin na iba sa sitwasyon na kinakalagyan ko ngayon.

At wala akong balak na baguhin ang bagay na ito para sa kapakanan ng kahit na sino maliban lamang kay Jacob.

"MISS ALONZO, this is Miss Eila Delos Santos. My new secretary. She will be my personal secretary as of today. She will attend to every demand that I want while you take good care of the rest. Are we clear?"

"Certainly, Sir."

Palihim akong napapatingin sa bagong sekretarya na pinakilala sa akin ni Sir Trojan Mondragon. Ang nag-iisang nagmamay-ari ng TME Enterprising at siyang kumakatawan bilang CEO ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho.

Noong isang araw lang, kasa-kasama ng isa pang Mondragon na si Ethan ang babae na ito at ngayon ay personal secratary na ngayon ni Sir Trojan.

Iba talaga ang nagagawa ng koneksyon at magandang mukha, sa isip ko.

Kung tutuusin, gusto kong mainis sa babae na ito ngayon.

Noong una akong mag-apply ng trabaho sa kompanya na ito, muntik na akong hindi matanggap dahil babae ako at hindi raw tumatanggap ng babaeng sekretarya ang may-ari dahil sa golden rule ng kompanya na No fucking on the employees.

Makailang ulit akong nagpabalik-balik dito para lang matanggap ako sa trabaho. Dumating pa ako sa punto na inabangan ko si Sir Trojan na makalabas ng kompanya para lang personal ko na maipakita sa kanya ang resume at credentials ko.

At dahil sa pagpupursugi ko at dahil sa perpektong resulta na nakuha ko sa mga mahihirap na exam na binigay nila sa akin, kahit na babae pa ako, tinanggap na rin niya ako.

Pero itong si Miss Delos Santos, pinakilala lang ng babaerong Ethan Mondragon na iyon ay natanggap na agad.

Sabagay. Kahit naman magreklamo ako sa mga Mondragon ay wala pa ring laban ang isang hamak na gaya ko. Pasalamat na lang ako na hanggang ngayon ay may trabaho pa ako.

Saka mukha namang mabait si Miss Delos Santos kaya isinantabi ko na lang ang ideya na mainis sa kanya.

At isa pa, mukhang may espesyal na namamagitan sa kanila ni Sir Trojan dahil napapansin ko na walang oras na hindi nakatitig si Sir kay Miss Delos Santos.

"Good morning, Cassandra my love!"

Hindi ko pinansin ang nakakairitang boses na iyon at pinagpatuloy na lang ang pag-aayos ng mga folder na gagamitin ni Sir mamaya sa meeting para sa mga board members.

"Ang aga-aga pero nag-uumapaw na ganda mo! Ang good talaga ng morning kapag ikaw ang nakikita ko."

Inikot ko ang mata ko sa utak ko at hindi pa rin siya pinansin.

Ethan Mondragon. Nabibilang sa pinakamayaman na angkan ng mga Mondragon.

Lagi siyang laman ng mga magazine dahil na rin sa pagiging part-time model nito at full-time babaero.

Kahit hindi ko gustong makita ang mukha niya o mabasa ang tungkol sa kanya ay kailangan dahil kasama sa trabaho ko bilang sekretarya ang basahin ang buong nilalaman ng magazine at dyaryo para kapag nagtanong sj Sir Trojan ng tungkol sa napapanahong balita ay may isasagot ako.

Para kay Sir Trojan, bawal ang magkamali. Kailangan nasa ayos at perpekto ang lahat. At bilang sekretarya niya at laging nasa tabi niya, dapat maging role model ako ng perpekto na inaasam niya sa mga trabaho at trabahador niya.

Sa bawat paglipat ko sa entertainment section ng dyaryo ay puro mukha ng Ethan Mondragon na ito ang nakikita ko. Ang walang katuturan na paglulustay niya ng pera at iba-ibang mukha ng babae na naikakama niya.

At naiinis ako sa tuwing maririnig ko ang boses niya o makita ang mukha niya dahil sobrang nakakaabala siya sa trabaho ko.

"Bigyan mo naman ako ng matamis na smile d'yan, my love!" Hinawakan pa ng walang kwentang lalaki na 'to ang baba ko at pwersahan iyong inangat.

Pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa mga folder na inaayos ko.

"Mister Mondragon, Sir Trojan doesn't have any appointment with you right now. You may take a seat on the receiving area and wait for him to become available."

"Sino ba kasing nagsabi na siya ang pinunta ko dito?"

Hindi ko na napigilan na hindi mapatingin sa kanya nang pwersahan niyang hilain ang mukha ko palapit sa kanya hanggang sa magtama na ang mga ilong namin at nararamdaman na ng mukha ko ang mainit niyang hininga.

Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ng lalaki na ito ay nakikita ko doon ang kakaibang pagnanasa.

Pagnanasa na hindi maibigay sa akin ni Jacob sa loob ng sampung taon na tinagal ng aming relasyon.

"Bakit ba napakasungit mo sa akin, Cass?" tanong niya habang hindi nila inaalis ang tingin niya sa mga labi ko. "Alam mo bang nakakababa sa ego ko ang ginagawa mo."

"Mister Mondragon, your ego has got nothing to do with my work. So, if you will excuse me, Sir, I need to check the conference room."

Ilang segundo pang tumitig sa labi ko si Ethan Mondragon bago niya nilipat ang tingin niya sa mukha ko.

At gaya ng ekspresyon na pinapakita ko sa lahat, wala siyang mababasa na kahit ano doon.

"Bibigay ka rin sa akin, Miss Alonzo," pagbabanta pa niya saka ngumisi.

Napangisi na lang ako sa isip ko sa huling sinabi ng lalaki na iyon bago siya tuluyang umalis sa harapan ko.

"Kahit kailan hinding-hindi mangyayari iyon, Mister Mondragon."

Si Jacob lang ang importante sa akin. Si Jacob lang ang mahal ko.

Wala ng iba.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon