Chapter Twenty Seven

47.6K 990 39
                                    

Chapter Twenty Seven

Cassandra

TAHIMIK KO siyang pinapanood habang nagsisibak siya ng kahoy sa likod ng bahay nila Remelyn.

Hindi ko nga akalain na siya pala ang gumagawa ng ingay kanina na naging dahilan kung bakit ako biglang nagising nang ganito kaaga. Isa pa sa mga nakakagulat maliban sa paggising ng isang gaya niya ng alas-singko ng hapon ay 'yong husay niya sa pagsisibak ng kahoy.

Alam kong may sariling isla ang angkan nila sa El Nido at ilang beses na rin akong nakakapunta doon para samahan si Sir Trojan o 'di kaya siya mismo. Pero ito lang yata ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang gumagawa ng ganito.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.

May hula ako na kanina niya pa ginagawa ito base na rin sa pawis na nasa damit at mukha nito. Bumabakat din sa pawisan nitong damit 'yong muscle niya sa braso sa bawat pag-angat at paghampas niya ng itak doon sa nakaabang na kahoy.

At dahil iba ang oras sa probinsya, kahit ganitong oras pa lang ay nakatirik na ang araw. At kitang-kita ang pagkinang ng mga pawis nito sa tuwing masisinagan iyon ng araw.

Hindi ko maiwasang mapalunok habang pinapanood siya sa ginagawa niya.

At dahil sa masyado akong nakapokus sa pagtingin sa katawan niya, hindi ko namalayan na napansin na pala niya ako at nakita ko ang nakakalokong ngisi sa labi nito nang iangat ko ang mga tingin ko sa mukha niya.

"Good morning, sexy."

Napatikhim ako para pakalmahin ang sarili ko at itago ang pagkapahiya na nararamdaman ko dahil sa pagkakahuli niya sa akin.

"Good morning," walang emosyong bati ko pabalik.

"Nagising ba kita?" tanong niya matapos niyang ibaon 'yong itak sa lupa at saka pinunasan ang sarili nito gamit 'yong damit nito mismo.

Hindi ko nga alam kung nagpunas ba talaga siya ng pawis o sadyang tinutukso niya pa ako lalo dahil sa pagpapakita niya ng pawisan niyang katawan sa akin.

Why do you need to be this sexy first thing in the morning, Mister Mondragon? inis na sabi ko na lang sa sarili ko.

"So..." sabi niya saka niya nilagay ang isang braso niya sa taas ng ulo ko at doon sa may hamba ng pinto dahilan para masakop ng katawan niya 'yong pintuan. "Nag-enjoy ka ba sa almusal mo ngayong araw?"

"Excuse me?!" napanganga at hindi makapaniwalang sabi ko. "Let me remind you Mister Mondragon na hindi lang ikaw ang hubad na lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. There's the model, actors, even—"

"So, talagang katawan ko talaga ang pinapanood mo at hindi 'yong pagsisibak ko ng kahoy. Gano'n ba, Cass?" nakangising sabi niya.

"At sino namang nagsabi sa'yong ikaw ang pinapanood ko? Tinitingnan ko lang 'yong itak kung tama ba ang hawak mo. Mamaya may mangyaring masama d'yan sa pagsisibak mo tapos kami pa ang sisisihin mo."

"'Yong itak na pangsibak ba talaga ang tinitingnan mo o 'yong isa ko pang itak?"

"What do you—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at saka pinanlakihan na lang siya ng mata nang makuha ko 'yong ibig sabihin niya. "My god, Mister Mondragon!"

"My god talaga, future Misis Mondragon," natatawang sabi niya.

I was taken aback when he suddenly grab my waist and hold my nape to give me a deep morning kiss.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon