Chapter Twenty Three

45.5K 857 24
                                    



Chapter Twenty Three

Cassandra

"BAKIT MO naman pala naisipan na bigla kaming bisitahin dito, 'insan?" tanong sa akin ni Beth na pinsan ko sa side ng mama ko. "Alam mo, ginulat mo talaga kami. Wala ka man lang pasabi sa plano mo na pagpunta dito. Basta punta ka na lang talaga!"

"Oo nga!" sagot naman ni Remelyn. "Sa totoo lang, hindi ko talaga maisip na babalikan mo kami dito. 'Buti pumayag si Jacob na pumunta ka rito nang mag-isa?"

Biglang nag-iba ang timpla ng gising ko nang ungkatin ng pinsan ko ang tungkol kay Jacob.

Pero hindi ko rin naman sila p'wedeng sisihin o pagsabihan na maghinay-hinay sa pagbanggit ng tungkol sa kanya. Wala pa ni isa sa kanila ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Jacob, sa nangyayari at kung ano na ang estado ng relasyon namin ngayon—'yon ay kung mayro'n pa nga kami no'n.

"Wala na kami ni Jacob..."

"Huh? Wala? Paanong wala? As in nag-break gano'n?"

"Gano'n na nga."

Biglang natahimik ang dalawa sa pinaka maingay kong pinsan dahil sa narinig nila.

Wala man silang alam sa nangyayari sa amin ni Jacob nitong mga nakaraang taon, alam naman nila kung paano kami nagkakilala, kung paano ko siya pinakilala sa kanila at sa mga pamilya ko pati na rin sa kung paano naging masaya ang pagsasama namin noon.

At alam na alam din nila kung paano ako itinakwil ng sarili kong magulang dahil lang sa pagmamahal ko kay Jacob.

"Kung gano'n naman pala, bakit hindi ka na lang bumalik kanila uncle?" tanong ni Remelyn.

"Para namang gano'n lang kadali 'yon. Alam mo naman ang magulang nitong si Cassie. Tinalo pa si Hitler sa pagiging mahigpit." sabi naman ni Beth. "Isa pa, hindi naman mag-aalsabalutan ang pinsan natin kung gano'n lang kadali kausap sila uncle."

"Sabagay..."

"Wala sanang makakarating na kahit anong may kinalaman tungkol dito kanila mama," pagpapaalala ko. "Ayokong may mahanap na naman silang dahilan para ipamukha sa akin na wala na akong ibang nagawang maganda sa buhay kundi maging malaking disappointment sa kanila."

"Ano ka ba, Cassie! Huwag mong sabihin 'yan!" mabilis na sagot ni Beth saka kinuha ang dalawang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. "Hindi man naging maganda ang ending n'yo ni Jacob, alam ko naman na naging successful ka sa ibang bagay, hindi ba?"

"Oo nga. Nakita ko 'yong Louis Vuitton mong maleta kanina. Yayamanin ka na talaga, 'insan! Manlibre ka naman!"

"Nakita ka rin namin sa isang magazine na pinadala ni mama dito. May kasama kang parang model sa sobrang kagwapuhan! Ano nga ulit pangalan no'n, Beth? Mon... Mondragon ba 'yon?"

"Si Sir Trojan yata ang tinutukoy n'yo. 'Yong dati kong amo."

"Dati? Bakit? Saan ka na ba nagtatrabaho ngayon?"

"Dito."

"Huh?"

"I want to stay here for good. Ayoko nang bumalik ng Maynila. Mas gusto ko pang makasama kayo ulit kaysa bumalik pa do'n."

"Anong sinabi mo?!" gulat at halos pasigaw na sabay na sabi nilang dalawa.

"Cassie, alam kong lovable kami at kami ang paborito mong pinsan. Pero hindi ka nababagay dito!" sagot ni Beth.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon