Chapter Thirty Six

40.9K 803 49
                                    



Chapter Thirty Six

Ethan

"WHAT ARE you doing here?" I asked in my calmest tone.

And I'm not even calm when I used this tone.

I am fucking raging with fury.

"O! Relax lang! Hindi ako makikipag-away!" nakangising sabi pa niya saka lumayo doon sa kotse ko.

Kanina pa ba siya dito? Paano siya nakalagpas sa security?

Matapos no'ng huling panggulo niya kay Cassandra dito sa opisina, I made sure to block him from the establishment and even asked for Trojan to tighten the security for Cassandra's safety.

Ilang private investigator na rin ang kinuha ko para mahanap ang hayop na 'to and make him pay for what he did, but still, no avail.

Kaya nagpapasalamat ako na siya na mismo ang lumapit sa akin para ako na rin ang makakuha ng hustisya para kay Cass.

"Nagustuhan mo ba 'yung pinadala ko sa'yo no'ng nakaraan?"

"You're a piece of sick bastard. Don't you know that?"

"So, napanood mo na nga?" ngumisi ulit siya sa akin at umarte pa natutuwa sa reaksyon na nakukuha niya mula sa akin. "Ipapaalala ko lang sa'yo p're na hindi edited ang video na 'yun. Totoo lahat ng nakita mo do'n. Gano'n kababoy 'yung babaeng kinakasama mo."

Parang may pumutok na ugat sa ulo ko dahil doon sa huling sinabi niya.

Pero pinili ko pa ring maging kalmado.

I may despise this man but I am not stupid.

Hindi ako ang unang gagawa ng paraan para saktan ang hayop na 'to.

If worst comes to worst, killing this man as self-defence will make my hand clean.

"Cassandra was pushed to edge to do that. You put her to that situation!"

"So, ako pa talaga ang may kasalanan ngayon?" natatawang sabi niya habang nakaturo 'yung isa niyang kamay sa sarili. "P're, kung hindi pa nakukwento ng ex ko sa'yo, siya ang may gusto no'n. Pinigilan ko pa nga siya na umalis e! Pero sabi nga nila, kapag ang babae makati, makati na talaga sila. Sakit na niya 'yun noon pa!"

Kulang na lang magdugo ang palad ko sa sobrang pagkakakuyom noon sa pagpipigil na mapatay ang tao na 'to.

Patience, Ethan. Patience, sa isip ko.

"Ano bang gusto mo? Bakit ka na naman nandito?"

"Wala naman," sagot niya saka nagkibit-balikat. "Bumibista lang. Titingnan kung nagbago na ba isip ni Cassie at kung gusto na ba niyang bumalik sa akin."

"You're crazy. Sa tingin mo ba talaga hahayaan ko na guluhin mo na naman si Cass habang nandito ako?"

"P're, mayaman ka. Elistista! Tapos gusto mong pumatol sa prosti?" natatawang sabi pa niya. "Ano ba 'yan, ha? Fetish mo? O, parausan mo lang din si Cassandra? Alam mo, p're, wala namang issue sa akin kung hihiramin mo siya. Tutal hindi naman 'yan nakukuntento sa isang ti—"

I lose composure. I snapped. And I don't feel guilty for acting this way.

Hindi na kinaya ng pasensya ko 'yung harap-harapan niyang pambaboy kay Cass kaya halos lundagin ko na siya saka sinabayan nang suntok sa mukha.

But I didn't stop there.

Nang makita ko siyang bumagsak sa sementadong sahig ng parking area, mabilis akong pumatong sa kanya saka pa siya binigyan ng sunod-sunod na suntok, hinila ang ulo niya para makatayo siya saka ko siyang binigyan nang malakas na sipa sa sikmura.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon