Chapter Twenty Two

45.2K 849 38
                                    



Chapter Twenty Two

Cassandra

AKALA KO iba siya sa mga kalahi niya.

Umasa ako. Umasa ako na maliligtas niya ako sa impyernong kinalalagyan ko.

I thought I'm ready to love again, to feel alive and to feel that I am once again wanted and loved.

Pero matapos kong marinig sa opisina niya 'yong pag-uusap nila ni Miss Delos Santos, alam ko na umasa na naman ako sa maling tao... sa maling lalaki.

I know where to stand when no one wants to be with me, when no one wants know that I can be off use. That somehow, I deserve the care and attention.

Men were always cruel.

Ang dali-dali lang sa kanila na sabihin na mahal nila ang isang babae—na parang iyon na ang pinakamadaling salita na p'wede nilang maipangako, hanggang sa punto na kaya pa nilang sabihin 'yon sa iba.

Dahil sa ginawa niya, naisip ko na naman kung bakit ako nandito? Kung bakit pa ako nandito? Kung bakit nandito na naman ako sa sitwasyon na kung saan ako na lang lagi ang nagbibigay at ako na lang ang nauubusan.

He knows how to play with words. To make a woman fall and make them to start believing about all the lies that he's about to say.

Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit gano'n na lang ka-threaten si Sir Trojan sa kanya.

Talaga naman palang may hindi nakakatuwang relasyon do'n sa sinasabi niyang kaibigan niya lang.

"Sigurado ka na ba d'yan sa desisyon mo?" tanong ni Marie na isa sa mga dati kong kasama sa apartment bago pa kami nagsama ni Jacob na siya ring matagal ko nang kaibigan.

"Mas maganda pang bumalik ako do'n sa lugar ko. Tutal naman do'n ako nababagay," sagot ko habang nilalagay ko ang lahat ng gamit ko sa sa malaking box na hiningi ko pa mula sa land lord namin.

Pagod na akong umasa. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong masaktan sa paulit-ulit na sitwasyon na pinaparamdam sa akin ng mga lalaking nagsasabing mahal daw nila ako.

Sobrang sarap siguro ng katawan ko. Sa sobrang sarap, ang bilis din nilang magsawa.

Na parang ang isang babae na gaya ko ay katawan lang ay kayang maibigay. And the rest? Wala na.

Jacob. Ethan. Lahat sila pareho-pareho lang ang gusto sa akin.

They just want to fuck me like I'm a mere prostitute that they can just throw away after I make them feel good.

Sa madaling salita, babaeng pangkama lang.

Matapos kong maimpake ang lahat ng importante kong gamit ay muli kong inilibot ang tingin ko sa buong paligid, sa apartment na kung saan nagsimula kami ni Jacob at kung saan din kami natapos.

If someone will asked me if I still love the guy, no. I don't.

Siguro matagal ko na siyang hindi mahal at niloloko ko na lang ang sarili ko na mahal ko pa rin siya sa kadahilanang wala na akong ibang makakapitan kundi siya. Na akala ko wala ng p'wedeng magmahal sa akin maliban sa kanya—I mean, the way he loved me a long time ago.

"I was about to tell you that I love you, Cass."

"I guess I fall in love with the wrong woman after all..."

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon