Chapter Thirty

40.5K 680 27
                                    


Chapter Thirty

Cassandra
Years Ago...

"BAKIT KA mag-a-abroad?"

"Jacob," bigla akong napatayo dito sa upuan ng apartment na nirerentahan namin nang makita ko ang bigla niyang pagpasok sa loob at marinig ang galit sa boses niya.

"Kailan mo pa balak sabihin sa akin ang tungkol sa mga plano mo, Cassandra? Kung kailan nakaalis ka na? Kung kailan alam na lahat ng mga kaibigan natin ang tungkol sa plano mo at ako na lang ang hindi pa nakakaalam? Kailangan ba sa ibang tao ko pa marinig ang tungkol sa mga 'to bago ka magsabi sa akin?"

"Jacob, sasabihin ko rin naman sa'yo ang tungkol dito—"

"P'wes huli na! Nasabi na sa akin ng mga pinsan mo kaya wala na ring silbi 'yang pagsasabi mo!"

"Jacob, please. Intindihin mo naman ako. Para rin naman sa future natin 'to."

"Future? Naisip mo pa pala 'yan?" sarkastikong sagot niya. "Para pala 'to sa future natin tapos aalis ka? Hindi ba't ikakasal na tayo sa susunod na taon? Kaya anong future ba 'yang sinasabi mo? Baka hindi ko rin alam ang tungkol d'yan?"

"Please listen to me first. Hindi ko rin naman gusto 'to e!"

"Hindi mo gusto pero gagawin mo pa rin?" natatawang sabi ni Jacob. "Gagawin mo pa akong tanga, Cassandra! Para ba talaga 'to sa future natin o para lang sa'yo? Bakit? Hindi ba't may ipon naman ako? Hindi ko kayang ibigay 'yong engrandeng kasal na pinangko ko sa'yo noon pero ang importante naman ay papakasalan kita, hindi ba?"

"Hindi lang naman 'to sa magiging kasal natin. Para 'to sa future natin. Sa magiging pamilya natin. Sa mga magiging anak natin, sa magiging pag-aaral nila," marahan kong paliwanag sa kanya at hindi ko na sinabayan ang init ng ulo niya. "Alam mo namang hindi pa tayo okay sa mga magulang ko, hindi ba? Saka ayoko namang makadagdag pa tayo sa problema ng mga magulang mo kaya—"

"So, sinasabi mo ba na hindi kita kayang buhayin kaya ka magtatrabaho sa ibang bansa? Gano'n ba, Cassandra?" muli siyang nagtaas ng boses sa akin saka siya inis na napasuklay sa buhok niya. "Saka p'wede ba? Huwag mong isisi sa akin ang pagiging matapobre ng mga magulang mo? Hindi porke't nalugi ang negosyo namin ay nawalan na ako ng silbi sa mundo! Hindi na kami kasing yaman n'yo pero kayang-kaya pa rin kitang palamunin at pakasalan sa kahit anong simbahan pa!"

Ilang buwan bago ang naging opisyal na proposal sa akin ni Jacob ay nagpasya kami na umuwi sa Leyte para pormal niyang hingin sa kamay ko sa mga magulang ko.

Inakala namin na magiging maayos ang lahat dahil boto rin naman sila Mama at Papa kay Jacob. Idagdag pang business partners ang mga magulang namin at may malaki rin namang family business sila Jacob sa lugar namin.

Kaya lang ng mga araw rin na iyon, sunod-sunod ang dumating na malas sa buhay ni Jacob. Nalugi ang negosyo ng pamilya nila, nalulong sa sugal ang papa niya at malalaman na lang niya na nakasangla na pala sa bangko ang halos lahat ng ari-arian nila sa Leyte dahil sa ginawa itong kolateral ng papa niya sa mga sugal na sinasalihan nito.

Sumama pa sa sama ng loob at problema ni Jacob ang disgusto na sinalubong sa amin ng mga magulang ko nang makarating sa kanila ang mga nangyari. Kaya 'yong dating amor nila kay Jacob ay mabilis ding nawala na parang isang bula.

Inutusan pa ako ng mga magulang ko na tapusin na ang relasyon ko kay Jacob at na hindi na siya ang nababagay sa akin. Pero sa halip na sumunod sa utos nila, pinili ko na lang na umalis na lang sa Leyte at sumama kay Jacob sa Maynila para dito na kami magsama at habang naghahanda na rin kami sa magiging kasal namin.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon