Chapter Thirty Four

41.3K 800 18
                                    


Chapter Thirty Four

Cassandra

"UNSA?! IKAKASAL na mong duha?" Ano?! Ikakasal na kayong dalawa?

Matapos ng naging pananghalian namin nila Mama at Ethan, pinilit kami ni Mama na doon na muna sa bahay magpalipas ng gabi para hindi na kami gumastos sa hotel at para makabawi sa maraming taon na nawala sa amin.

Gaya ng inaasahan, walang natulog sa aming tatlo at napuno lang ng kwentuhan ang buong magdamag namin. Sa maiksi ring panahon, mabilis nakuha ni Ethan ang loob ni Mama. May pagkakataon pa nga na mas kinakampihan na ni Mama si Ethan no'ng nagtatalo-talo kami sa ilang bagay.

I don't know if it was his natural charm o talagang alam na alam niya lang paano makapasok sa puso ng kahit sinong babae. He won't be rumored as a womanizer for nothing I assumed.

"P'wede naman siguro tayong mag-Tagalog kapag may sasabihin kayo sa akin, hindi ba? Nakalimutan n'yo na ba? Hindi ko naiintindihan ang sinasabi n'yo?" pagbibiro ko pa doon sa dalawa kong pinsan na agad ko ring binisita para sabihin sa kanila ang balita.

"Ay! Oo nga pala! Sorry, 'insan! Nakalimutan lang," sagot ni Remelyn.

"Pero hindi mo rin naman kami masisi, Cassie. Unang bisita mo sa amin nagdala ka ng boyfriend. Tapos ngayong pagbalik mo, asawa mo na agad?!"

"Gaga! Magpapakasal pa lang! Hindi pa asawa. OA mo talaga kahit kailan, Betchay!"

"Gano'n na rin 'yun, 'te! Papakasal, kinasal, basta gagawing legal ang pagtatalik sa kama, gano'n na rin 'yun!"

"Bibig mo talaga kahit kailan! Porke't gustong magpakasal, gusto lang gawing legal 'yung pagtatalik? 'Di ba p'wedeng mahal ka muna?"

"Remelia, kung pagmamahal ang laging nauuna, papakasalan ka muna bago ka ikama. Ngayon kung inuna kang ikama, ibang usapan na 'yun!" pagdadahilan pa ni Beth. "Kaya nga 'di uso 'yung kasal-kasal sa iba e! Mas gusto kasi nila 'yung sex lang. Sex first love later! O, ha? English na 'yun!"

Parang gustong sumakit ng ulo ko sa daloy ng usapan ng dalawa.

Kaya bago pa sila mauwi sa totoong pagtatalo ay pumagitna na ako sa kanila.

"Nakauwi na rin pala ako sa bahay kahapon. Nagka-ayos na rin kami ni Mama."

"Unsa-ay! Tagalog nga pala," mabilis nang tinama ni Beth ang sasabihin niya. "Hinay-hinay naman sa paghahatid sa amin ng balita, Cassie! Hindi kami nakapaghanda! Wala pa ngang toothbrush 'tong si Remelyn e!"

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo, Betchay! Kahit amuyin mo 'tong bibig ko, mabango 'yan!" depensa ni Remelyn saka ako hinarap at sumeryoso. "Anong sabi ni auntie? Ang papa mo kumusta? Sana inuna mo muna pagpunta sa amin para nasamahan ka namin sa inyo. Alam mo naman ugali ni ankol."

"Wala na sa bahay si Papa. Matagal na silang naghiwalay ni Mama."

"Totoo pala 'yung tsimis dati," sabi ni Betchay habang nakaharap kay Remelyn bago siya humarap sa akin. "Pasensya ka na, Cassie. Kahit kami walang alam sa nangyayari sa amin sa bahay n'yo. Alam mo namang pare-pareho lang tayong takot doon sa Papa mo, 'di ba?"

"Okay lang 'yun. Kahit naman siguro ako nasa sitwasyon n'yo, hindi rin ako dadalaw sa bahay," sandali akong huminto sa mga sasabihin ko. "Sana lang talaga nalaman ko rin nang mas maaga para hindi ko naiwan nang mag-isa si Mama nang ganito katagal."

Hindi rin nagsalita sila Beth at Remelyn do'n sa huling sinabi ko.

Siguro gaya ko, nando'n din 'yung pagsisi nila para sa mga nangyari.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon