Chapter Thirty Two

43.2K 923 112
                                    

Chapter Thirty Two

Cassandra

ISANG LINGGO na akong pumapasok. Isang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang ipaalala sa akin ni Jacob ang tungkol sa masamang bangungot na iyon at isang linggo na rin akong hindi nagpaparamdam sa kahit kanino.

Sa boss ko. Sa mga katrabaho ko. Kay Ethan.

Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin at kung ano pa ang rason ko para harapin siya.

Isa akong maruming babae.

Mas masahol pa sa ako sa hayop.

Hindi ako 'yong nababagay sa kanya.

Hindi ako 'yong taong nababagay na maikasal at magdala sa epelyido niya.

Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Gusto ko masuka at masuklam sa ginawa sa akin ni Jacob, pero mas lalo sa sarili ko sa pag-iisip na may pag-asa pa ang isang gaya ko. Na posible talagang may magmahal at tumanggap pa sa akin.

Na baka may isa pang pagkakataon para maramdaman ko na buhay ulit ako, na kaya kong baguhin at kalimutan ang nangyari sa akin noon.

Pero kahit hindi pa ginawa ni Jacob ang bagay na 'yon, kahit ilang beses ko pa siyang itanggi at iwasan, sa bandang huli, alam ko kung anong nangyari sa akin.

Alam ko kung anong ginawa ko.

Alam ko kung gaano ako karumi at kawalang-kwentang tao.

Muli akong nakitira sa apartment ng kaibigan kong kung saan din ako pansamantalang tumira bago ako nagpasyang bumalik sa Leyte. At laki pasasalamat ko na bukas-palad niya akong tinanggap at hindi ako tinanong ng kung ano-ano.

Siguro nakita na rin niya sa mukha ko na wala ako sa mood magsalita o kahit ano pang gawin nila, hindi ako magsasalita at magkukwento ng kung ano sa kanya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkakatulala ko sa kawalan dito sa may sala nang may marinig ako na tunog ng doorbell.

Dahil sa dadalawa lang namin kaming kakatira dito, inakala ko 'yong kaibigan ko na ang nasa labas ng pinto kaya hindi ako nagdalawang-isip na pagbuksan iyon.

Pero masyado akong naging kumpyansa sa sarili ko. Na inakala ko hindi niya ako mahahanap sa lugar na 'to.

Pero nakalimutan ko kung sino ang tao na 'to. Kung anong kaya niyang gawin, ng pera niya, ng pagiging Mondragon niya.

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

May kakaiba sa boses niya nang sabihin niya sa akin 'yon. Hindi ko na rin makita sa kanya 'yong madalas na ngiti sa mga labi at mata niya kapag nagkikita kami.

Pakiramdam ko, ibang Ethan ang nasa harapan ko ngayon.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Importante pa ba 'yon?" sagot niya saka niya pinatuloy ang sarili niya sa loob.

Gusto ko sana siyang pagalitan sa ginawa niya, sa pagpasok niya sa bahay ng iba nang walang permiso at sabihin sa kanya na wala akong balak makita siya ngayon.

Pero pinili ko na lang na isantabi ang lahat ng iyon.

Dahil baka ito na rin ang huling pagkakataon na makita ko siya ulit...

"Kung may sasabihin—"

"Cassandra."

Naputol ang mga sasabihin ko nang tawagin niya ako gamit ang buong pangalan ko saka niya ako nilingon.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon