Chapter Twenty Five

46.3K 1K 78
                                    


Chapter Twenty Five

Cassandra

"KINSA MAN ni, 'insan? Arang gwapuhan man gyud ireng si Kuya!" Sino ba 'to, pinsan? Ang gwapo naman nitong si Kuya!

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na hindi nakakaintindi masyado ng Bisaya si Cassie, Betchay? Paulit-ulit na lang ba tayo?"

"Adyaw magbanha-banha diha, Remelia! Tagalog ug Bisaya, understood na gani 'yon!" Huwag ka ngang maingay d'yan, Remelia! Tagalog man o Bisaya, maiintindihan na rin nila 'yon!

Napatingin ako kay Ethan nang maramdaman ko ang paglagay niya ng braso niya sa likod ng baywang ko dito sa plastik na kinauupuan ko sabay inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko para bumulong.

"Nag-aaway ba mga kasama mo? Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nila maliban do'n sa gwapo ako."

Bahagya akong natawa sa huling sinabi niya saka napataas ng kilay bago ako naman ang lumapit sa kanya para bumulong.

"Huwag kang magbuhat ng sarili mong bangko, Mr. Mondragon. Hindi porke't probinsya 'to ay wala nang magagandang lalaki maliban sa'yo dito."

"So, are you trying to say that I'm handsome, huh, Miss Alonzo? Na isa ako sa mga magagandang lalaki na nakita mo dito?" pabulong na ganting sagot niya ulit sa akin.

"Again, Mr. Mondragon, stop flattering yourself. It's already cringey."

"Mga bastos pala ang mga taga-Maynila, ano?"

"Oo nga! Tama raw ba na maglandian sila sa harapan natin?"

"Hello! Excuse naman ho sa mga maganda lang pero single! Nakakabastos na ho kayo!"

"Tama! Kaunting respeto naman sa mga hindi pa nadidiligan ng punla!"

"Anong nadidiligan?! Gaga! Bastos talaga ng bibig mo, Betchay! Kakadiri ka! Pinsan ka ba talaga namin ni Cassie?!"

"Hoy, Remelia! Huwag na tayong magmalinis pa dito! Mas bastos kaya ang bibig mo kaysa sa akin! Ano-ano na nga lang sinusubo mo d'yan e! Akala mo hindi ko kayo nakita no'ng road engineer kahapon sa may batis ah?"

"Hoy! Awat na!"

Muli akong napalingon kay Ethan nang marinig ko ang malakas na pagtawa niya.

And I can't help but secretly smile for that.

Ang gandang salubong sa umaga ng tawa niya.

Matapos nang naging eksena namin sa may sayawan kagabi, napilitan si Ethan na madaliin na lang ang paghuhurado saka niya ako niyaya palayo do'n sa lugar.

We ended up with a hotel room on the mainland of the city. At no'ng akala ko ay mangyayari sa amin kagabi, wala.

He didn't touch me. He didn't force me to kiss him, strip or even force me to have sex with him.

It was a fine, cozy night. Nag-dinner lang kami, naligo sa jacuzzi ng hotel room namin at pinag-usapan ang mga bagay-bagay lalo na sa pagitan nilang dalawa ni Miss Delos Santos.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya hindi lang para sa kanya kundi para na rin kay Miss Delos Santos.

Pinaghinalaan ko sila nang hindi ko man lang naririnig ang buong kwento at ngayon nga ay nakaabala pa ako kay Ethan para sa bigla niyang pagpunta dito sa Leyte para lang hanapin ako.

But out of all my paranoia antics, Ethan remains calm and understanding. Kahit na alam kong ako ang may mali sa pagkakataon na 'to, siya pa ang nag-sorry at mas umintindi sa akin.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon