Chapter Twenty Four

44.8K 956 55
                                    



Chapter Twenty Four

Cassandra

"AKALA KO ba sayawan ang pinunta natin dito?" tanong ko do'n sa dalawang pinsan matapos naming makarating sa covered court ng bayan kung saan gaganapin ang taunang piyesta dito sa barangay.

"Ito namang si Cassie! Atat na atat ma-table!" natatawang sabi ni Remelyn. "Mamaya pa 'yon! Mga alas diyes. Mga gano'ng oras din kasi magsaya May mga programa muna sila Mayor gaya ng Doble Kara, Miss Gay saka 'yong Miss Silago 2017."

"Gano'n ba?"

"Oo! Nako! Kung alam ko lang talaga na sponsor ni gov 'yong first prize, sumali na dapat ako! Aba! Sampung libo rin 'yon ah!"

"Kung ikaw lang din ang sasali, Betchay, talong-talo ka na."

"Adyaw man magpa-negative, Remelyn! Gwapa man gyud ko." Huwag kang masyadong negative, Remelyn! Maganda kaya ako!

"Ikaw lang naniniwala d'yan sa pinagsasabi mo, Betchay. Kung si Cassandra pa magsasabi na maganda, maniniwala talaga ako. Pero ikaw?" sagot pa ni Remelyn sabay tinitigan ito mula ulo hanggang paa. "'Di na, oy!"

Pinanood ko na lang ang dalawa kong pinsan na mag-asaran saka ko inilibot ang tingin ko sa ibang lugar.

Hindi gaya ng mga night party sa Maynila, masasabi kong mas masaya ang mga fiesta sa probinsya. Madaming tao, wala silang pake sa porma-pormahan at kung ano-ano pang kaartehan. Basta masaya sila, iyon ang importante.

Isa rin sa magandang katangian ng mga fiesta sa probinsya ay 'yong pagbabayanihan ng mga tao. Pagkain ng isa, pagkain ng lahat. Trabaho ng isa, tutulong ang lahat.

Lumipas ang gabi na punong-puno ng tawanan lalo na do'n sa parte ng Miss Gay. Kahit hindi ako nakakaintindi ng Bisaya, base na rin sa reaksyon ng mga contestant at nakakahawang tawa ng mga tao sa paligid ko, hindi ko na maiwasang makisali na rin sa pagsasaya nila.

It was a very fun night not until the mayor drop the unexpected bomb.

"Bago tayo pumunta sa Question and Answer portion at bago natin husgahan kung sino ba ang nararapat maging Miss Silago 2017 ng bayan natin, may nais sana akong ipakilala sa inyo. Siya'y bagong dagdag sa ating mga magiging hurado ngayong taon. Galing pa ang bisita natin na ito sa balita."

Iba na ang tibok ng puso ko habang tina-translate sa akin ni Remelyn 'yong sinasabi ng mayor. Iba na ang nararamdaman kong kaba tungkol sa bagong hurado na 'to.

Hindi. Baka naman napa-paranoid ka lang Cassandra. Imposibleng masundan ka niya dito. Hindi niya alam kung saan ka magpupunta, kastigo ko sa sarili ko. Maliban na lang kung...

"Mga kababayan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang ating panauhing pandangal at isa sa anak ng mga kaibigan ko sa Maynila, Mister Ethan Mondragon! Palakpakan natin siya!"

Time suddenly stops as he stepped out of the curtain and stand beside the mayor.

And by the moment he roam his eyes over the place, out of that large crowd, our eyes met.

Nakita ko ang paggalaw ng bibig niya, binanggit ang pangalan ko. At gaya ng reaksyon ko ngayon, kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako.

"Pastilan! Gwapo man ang bagong judge! Papable man, 'insan!"

"Mukha pang mabango! Ano gani ang laging sinasabi ni Chef Boy? Ayon! Yum! Yum! Yum!"

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon