Chapter Eight

65.7K 1.2K 97
                                    


Chapter Eight

Cassandra

NAPAKUNOT-NOO nang may makapa akong kakaiba sa kama ko.

Hindi ganito kalambot ang higaan namin ni Jacob doon sa apartment na nirerentahan namin. Hindi rin ganito kalamig ang aircon dahil wala naman kami no'n at mas lalong wala akong naamoy na kasing bango gaya nang naamoy ko ngayon sa bahay.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para lang makita ang sarili ko na nakahiga sa isang malaki at malambot na kama na parang ngayon ko lang yata nakita sa tanang-buhay ko at makita ang sarili ko na may suot na isang puting polo na aabot yata sa kalahati ng hita ko dahil sa haba.

At nasisiguro kong walang polo na ganito si Jacob dahil kahit isang taon pa yata ako magtrabaho ay hindi ko siya mabibilhan ng ganitong kalambot na polo na mukha pang mamahalin at gawa mula sa isang sikat na brand ng mga damit sa ibang bansa.

"O! Gising ka na pala."

Hinanap ng mata ko ang boses nang nagsalita na iyon para lang makita ang isang mukhang hindi ko inaasahan at mga ilang eksena sa kabaliwan na nagawa ko kagabi kasama ang lalaki na ito.

"Tamang-tama at kakatapos ko lang magluto. Come! Let's eat!"

Hindi na niya ako hinayaang makasagot pa doon sa sinabi niya dahil basta na lang siya tumalikod palabas ng pinto gaya nang pagpasok niya nang hindi ko man lang namamalayan.

Marami pa ring tanong ang gumugulo sa isip ko gaya na lang kung paano napalitan ang damit na suot ko saka kung paano ako nakatulog sa condo unit niya nang hindi ko naaalala.

Kung tama ang pagkakatanda ko, we almost had sex kagabi pero hindi rin natuloy nang dahil sa akin.

Naalala ko rin kung paano ako panandaliang namangha sa kanya nang mapigilan niya ang sarili niya sa huling pagkakataon at kung paano ako pumalpak sa trabaho na binigay sa akin ni Sir Trojan.

Biglang nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang tungkol sa kanya saka ako mabilis na umalis sa ibabaw ng kama para hanapin ang bag ko.

Nang makita kong maayos iyong nakapatong sa ibabaw ng mga damit ko na mukhang bagong laba na ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko at d-in-ial ang numero sa opisina ni Sir Trojan.

Nakailang ring na ako pero wala pa ring naririnig na sumugot. Sa pangalawang tawag ko, sinalubong ako nang naiiritang boses ng amo ko.

"What now, Cassandra?!"

"I'm sorry to call you this early, Sir," hindi ko pinahalata sa kanya ang panginginig ng boses ko dahil sa gulat nang bigla niyang pagtataas ng boses sa akin at dahil na rin sa pagiging wrong timing ng pagtawag ko.

Stay as professional as you can, Cass! pagbo-boast ko pa sa sarili ko. Hanggang ngayon pa rin natatakot ka sa Trojan Mondragon na 'yan?

"Sir, about Mister Ethan Mondragon—"

"I don't fucking care! Is this what's its all about? About that fucking Ethan again?"

"But, Sir—"

Hindi na niya ako pinatapos sa mga sasabihin ko sa kanya dahil bigla na lang niya akong binabaan ng telepono.

Ngayon tuloy gusto ko nang maniwala doon sa sinabi ni Ethan na siya nga ang pinakamatino sa kanilang magpipinsan.

Kung ang pag-uusapan ay sektor ng pagiging maiinitin ang ulo at temperamental, siya nga lang ang matino sa kanila.

Napabuntong-hininga na lang ako sa naging magandang salubong sa akin ng umaga ko saka ko hinubad ang polo na sa tingin ko ay pagmamay-ari ng Ethan na iyon saka sinuot ang damit ko na nasa harapan ko kasama ng bag ko.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon