Chapter Five

60.4K 1.3K 80
                                    


Chapter Five

Ethan

FUCK! 'YAN ang unang pumasok na salita sa utak ko nang makita ko si Cassandra at ang malulusog niyang dibdib na sumalubong sa akin.

Sa pagkakaalala ko, ang nasa kontrata lang namin ni Trojan ay sa akin na magtatrabaho si Cassandra.

Wala sa usapan namin na gagawin niya sa akin 'to!

"Pakiusap, Cass. Magdamit ka na," pakiusap ko sa kanya.

Tanga lang ang lalaking tatanggi sa ganitong uri ng grasya.

Hindi mo rin matatawag na rape o sexual assault kung may mangyayari man sa amin dahil si Cassandra mismo ang lumapit sa akin, pumasok sa condo at basta na lang naghubad sa harapan ko nang walang pasabi.

Isa pa, lalaki lang ako. Mahina ako sa ganitong uri ng tukso. Pero kahit na kanina pa nananakit ang puson ko sa pang-aakit na ginagawa ni Cassandra, tinitiis ko pa rin.

Ayokong makipag-sex sa kanya ng lasing siya o wala sa tamang pag-iisip.

Cassandra Llanera Alonzo has always been my darkest obsession.

Unang kita ko pa lang sa kanya sa opisina ni Trojan bilang bagong sekretarya nito ay hindi na siya naalis sa isip ko.

She's cold. Snob. Very professional na pinakanagpa-turn on sa akin at sa pagkalalaki ko.

Yes. I have my group of women who will satisfy my sexual needs but none of them ignites the urge that I have right now for this particular woman.

For Miss Cassandra Alonzo.

"Pare-parehas lang talaga kayong mga lalaki."

Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Cassandra palayo sa kanya saka ko siya pinanuod na damputin ang bra niya at muling sinuot iyon saka niya sunod na pinulit ang ibang damit niya na nagkalat sa sahig.

"Hindi talaga kayo marunong makuntento sa iisang babae."

Naramdaman ko ang talim at pait sa huling sinabi ni Cassandra.

Sa pagkakatanda ko, sinabi na sa akin ni Trojan na may boyfriend na si Cassandra.

Kaya bakit nandito siya ngayon sa condo ko at ginagawa ang bagay na 'to?

Alam kaya niya ang tungkol sa kontrata namin ni Trojan? sa isip ko.

"Nice, dick you have there, Mister Mondragon," mas malalim pa sa yelo na sabi niya nang muli siyang mapatingin sa pagkalalaki ko. "Sana sa susunod, magkaroon na 'yan ng silbi sa akin."

"Sandali nga lang!" pigil ko sa kanya nang akmang lalabas na siya saka matapos kong mabilis na maipulot sa baywang ko ang towel na tinanggal niya. "Saan ka pupunta?"

"Uuwi na po ako, Mister Mondragon. Now, if you will—"

Bigla kong naihampas sa pinto ang kamay ko na gumawa nang malakas na ingay at muling pagsara ng pinto nang akmang bubuksan na iyon ni Cassandra.

"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to pero hindi ako makakapayag na lalabas ka ng kwarto na 'to na ganyan pa ang kinikilos," sabi ko saka niya pwersahang pinaharap sa akin. "Ano bang problema, Cass? Oo. Alam kong naiinis ka sa akin pero p'wede mo akong sabihan ng problema mo kung gugustuhin mo lang."

Nakita ko ang pagsilay ng isang ngisi sa labi ni Cassandra na kinalaki ng mata ko.

Ito ang kauna-unahang kakaibang ekspresyon na nakita ko mula sa mukha niya.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon