Chapter Twenty Nine

39.2K 766 49
                                    



Chapter Twenty Nine

Cassandra

"BAKIT HINDI mo pa sabihin kung anong pinunta mo dito, Jacob? Alam mo bang nasasayang ang oras ko dahil sa ginagawa mo?"

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha ang lakas ng loob ko na harapin siya nang ganito ngayon, mas lalo ang subukang magtunog malakas sa harapan niya.

Matapos niyang gumawa ng gulo sa opisina kanina ay dinala ko siya dito sa may coffee shop hindi kalayuan sa TME para dito pakinggan kung anong ipinunta niya at bakit niya ako hinahanap.

Makalipas ng ilang buwan matapos niya akong iwan, matapos niya akong pagmukhaing pinaka walang kwentang babae sa mundo at pinaramdam na wala akong ibang halaga sa kanya kundi taga-bigay ng pera at kapritso niya sa buhay, ngayon ay nagpakita na naman siya sa akin.

Pero sa totoo lang, sa kabila ng galit at sama ng loob na nararamdaman ko, mas nangingibabaw pa rin 'yong takot.

Takot para sa sarili ko at sa emosyon na inalay ko sa tao na 'to sa loob ng napakahabang panahon na sinayang niya lang at pinagpalit sa ilang daang libo ng pera at babaeng nakilala niya lang sa kung saan-saan.

"Pasensya ka na kung nanggulo pa ako do'n sa pingatatrabahuhan mo. Wala naman akong intensyon manggulo. Gusto ko lang talaga na makita ka."

"Hindi mo pa rin sinagot ang tanong ko," sabi ko saka umarteng tumitingin sa orasan na suot ko. "Marami pa akong kailangang asikasuhin, Jacob. Kung hindi mo lang din naman sasagutin nang matino ang tanong ko, mas mabuti pang mauna na ako."

"Sandali lang, Cass!"

Natigilan ako nang sinubukan niyang hawakan ang kamay ko para pigilan ako sa pagtayo at pag-alis ko doon sa may mesa namin.

"Cass, please. Pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko."

Napatingin ako doon sa kamay niya na nakahawak sa akin ngayon na para bang lason iyon na muling tumama sa balat ko.

Kaya bago ko pa siya masabihan na bitawan ako ay siya na mismo ang nagkusang bumitaw doon na para bang napaso siya sa pagkakahawak sa balat ko o sa tingin na binibigay ko sa ginawa niyang 'yon.

"A-alam ko na wala akong karapatan na magpakita pa ulit sa'yo at alam ko rin na sobrang galit ka sa akin at sa mga nagawa ko. Hindi kita masisisi. Dahil kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo, isusumpa ko rin ang sarili ko," panimula niya saka sinalubong ang mga tingin ko. "Pero Cass, sa mga panahong nawala ka sa tabi ko, may mga bagay akong na-realized. Mga bagay na alam kong napabayaan ko. Nasayang ko. Nasaktan ko. At ikaw 'yon, Cass."

"Ano bang gusto mong palabasin?" tanong ko sa pinakamalamig kong tono.

Matapos kong marinig ang mga sinabi niyang 'yon, parang bigla na lang nanlamig muli ang buong pagkatao ko. Na muli na namang nabalutan ng makapal na yelo ang puso ko at parang hindi na ako ang kumokontrol sa katawan ko ngayon kundi lahat ng emosyon na pinatay ni Jacob sa loob-loob ko.

"Gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng ginawa ko, Cass," sagot pa niya saka inabot 'yong dalawang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa at marahang hinawakan iyon. "Cass, alam kong naging napakalaking gago ko sa mga nagawa ko sa'yo. Pero ngayon na-realized ko na mali ako. Na sobrang dami ng mali ang nagawa ko sa'yo. Sorry, Cass. Hindi ko sinasadya."

"Magkano ba ang kailangan mo?" nasabi ko saka hinila ang kamay ko palayo sa kanya. "Isang daang libo? Dalawang daan? Isang milyon? Ano? Magkano? Magkano ba ang presyo ng pera nan as autak mo ngayon para masabi mo sa akin ngayon ang lahat ng 'to?"

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon