Chapter Thirty Eight

47K 912 44
                                    


Chapter Thirty Eight
Cassandra
“BAKIT NIYA gustong makipagkita sa isang F1 Racing arena?”

‘Yan ang una kong naitanong sa sarili ko matapos kong makalusot doon sa may gate ng lugar at binanggit ang tungkol sa invitation na nakuha ko mula kay Ethan.

I almost forgot. Ethan is into this kind of hobby, nasabi ko sa isip ko nang maalala ang tungkol sa bagay na ‘yun.

I still have a lot of questions in my head, lalong-lalo na ang mga tanong tungkol sa pag-abot ni Jacob at Ethan.

Kahit sinabihan na niya ako na wala na akong dapat ipag-alala at hindi na ako magugulo pa ni Jacob, hindi ko pa rin maiwasan na mapaisip kung talagang okay lang ba siya, kung wala ba talagang nangyaring masama sa kanya o baka sinabi niya lang ang mga bagay na ‘yun sa akin para hindi na ako mag-alala para sa kanya.

Up until now, I still cannot believe to the happiness that I’m feeling. Na sa isang sulok ng isip at puso ko, nandoon pa rin ‘yung takot na baka pandalian lang ‘to. Na baka may hindi na namang magandang mangyari.

After all I went through, I can’t just let myself to be comfortable with the safety that I’m having today.

Ilang beses na akong naloko at nasaktan ng pag-aasa ko sa bagay na hindi ko naman alam kung kailan kung hanggang saan ba at kung malapit na ba matapos.

I just can’t have the leissure to think about that like it was the easiest thing to do.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at nag-ikot-ikot sa paligid ng arena para hanapin kung nasaan si Ethan. Ilang beses ko rin sinubukan na tawagan ang number niya pero answering machine lang lagi ang sumasagot sa akin.

“Nasa tamang lugar ba ako?” tanong ko sa sarili ko saka muling binasa ‘yung t-in-ext na lugar sa akin ni Ethan.

Nang masiguro ko na nasa tamang lugar naman, binalak ko na sanang maglakad pabalik doon sa entrance para magtanong sa guard kung dumating na ba si Ethan nang bigla akong mahinto sa mga balak kong gawin nang bigla akong makarinig ng malakas na tunog sa paligid.

It was a sound signalling that the race was about to start.

“Ano bang nangyayari dito?”

All the lights were opened, there were loud cheers sound effects but still, there’s no car or anything that can initiate a race on the arena.

“I swear if this is one of your nonsense antics, I’m going to kill you for this, Ethan—”

Hindi ko pa natatapos ang mga sinisigaw ko sa ere nang makarinig ako ng mahihinang palakpak mula sa likod ko.

And there I saw my mother, my workmates on both TME and Ethan’s company and even Miss Delos Santos and Sir Trojan.

“Why the hell do I need to come here? I don’t have anytime for this,” narinig kong komento ni Sir Trojan.

“Ano ka ba? Ayaw mo bang makita ‘yung mangyayari?” sagot naman ng katabi nitong si Miss Delos Santos matapos nitong marahang sikuhin sa tagiliran ang kasama.

“I rather see you naked and screaming than wasting my time here.”

“Anong…” naiusal ko na lang nang makita ko sila sabay napatingin sa direksyon ng Mama ko.

But instead of answering my question, she just gave me a light nod and a big, happy smile.

“My love.”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng direksyon kung saan ko narinig ang boses ni Ethan.

And then I saw him, his bashful smile, tense yet still handsome face on a large LED screen of the arena.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon