chapter 96

300K 6.2K 817
                                    

Terrence's pov;

"Damn it!" usal ko habang humakbang ako papalayo sa kinaroroonan namin kanina ni frits,

Graduating student na ako sa school na pag mamay-ari namin,
Pero lumipat parin ako sa school ng Saint paul International Academy, hindi madaling makapasok sa loob ng saint paul. Lalo pa't alam ng may ari ng Saint paul na anak ako ng ka kumpitensya nya sa business, well i think kahit sa mga anak-anak may kumpitensya, at kami 'yon ni frits, magkaribal kami sa puso ni ally, yah. I reall love allyson, but i think. hindi nya ako magagawang mahalin. dahil may frits na sya, masakit sa katotohang hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong ipakita ang nararamdaman ko para sa kanya, kahit isang araw lang,

Pagpasok ko sa loob ng classroom agad ko'ng nakita si Ally, tinitigan ko sya habang ang mga mata nito ay nakatuon sa librong binabasa nito, "haist ang hirap naman para sa'kin ang mapansin ng isang allyson Ramirez,"

Umupo na ako sa likuran nya, mula sa likuran kitang-kita ko kung ano ang ginagawa ni ally, nakikita ko lahat. Ang pagtawa at ang pagsimangot nya. Hindi lumilingon si allyson sa'kin, Nararamdan ko na ayaw nya sa'kin. At pakiramdam ko sinaksak ako ng kutsilyo ang puso ko pailalim ng pailalim. sa t'wing nakikita ko ang pag iwas nya sa'kin, pero pikit mata ko'ng binabaliwala ang lahat ng iyon, unang araw pa lang naman, maaring magbago pa ang lahat,

"Class, hahatiin ko kayo sa tatlong grupo ha! Magkakaroon kayo ng Isang Play. Kayo ng bahala kung anong pipiliin nyong genre." Bigla ako'ng napatingin sa professor namin at nag dasal na sana makasama ko sa play si Allyson Ramirez. Isa-isang tinawag ng professor namin ang mga mag kakasama sa iisang grupo. At dahil alphabetical. Hindi ko naka-group si allyson, nakaramdam ako ng inis! Kahit sa simpleng bagay hindi ko man lang ako pinag-bigyan ng pagkakataon,

"Ally! Magkasama parin tayo!" Narinig ko'ng sabi ni dianne,

"Oo nga eh, buti na lang!" Sagot ni allyson,

"Wala na talagang chance!"

Natapos ang buong araw ng klase namin na naging boring ang araw ko. Dahil hindi man lang ako kinausap ni ally, agad ako'ng umuwi ng bahay. Pag-uwi ko nakita ko si ate angelou na nakaupo sa mahabang sofa at nanonood ng tv,

"How's you're first day in saint paul international academy?" Tanong sa'kin ni ate,

Pasalampak ako'ng umupo sa tabi ni ate angelou at dumampot ng kutkutin na nakapatong sa table. Kinain ko iyon habang ang mga mata ko nakatuon sa movie na pinapanood ni ate,

"Himala yata ate, dito ka nanood ng movie sa living room,"

Bahagyan nya ako'ng nilingon, at ngumiti sa'kin," Hinihintay kasi kita. gusto ko'ng makibalita sayo eh," tapos muli ito'ng tinuon ang pansin ang mata sa panonood,

"Tagilid! Or maybe wala na talagang pag-asa," mahina ko'ng sabi kay ate,

"Why?"

"Si frits Santiago, kung makabantay kay ally. Kulang na lang hindi umalis sa tabi ni ally,"

"Asawa nga eh, maghanap ka na lang ng iba yung hindi kumplikado little brother,"

"Wala na ako'ng makitang iba ate kung hindi si ally lang!"

Muling tumingin sa'kin si ate,
"Terrence, ikaw ba? Makakaya mo'ng sirain ang matatag na pamilya para lang sa kaligayahan mo?"

Saglit ako'ng nag-isip, kung ang kapalit naman ng paninira ko ay si allyson, bakit hindi,

"Oo naman ate, isa pa ako dapat ang nasa pwesto ngayon ni frits ngayon, ako dapat ang asawa nya ngayon! Sabihin na lang nating kinukuha ko lang yung dapat na para sa'kin,"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon