chapter 160

181K 4.4K 445
                                    


Ally's POV

"Anong ginagawa mo dito Frits?" Nakataas ang kilay ko habang nakatingin kay Frits. Nakaupo ito sa Mahaba at malambot na sofa. Kakauwi ko lang galing trabaho. Kaya pala wala sa kumpanya andito lang pala.

"Mommy!"tumakbo palapit sakin si Jhoace at yumakap at humalik sakin  gayon din si John Ace. Pagkatapos muli itong tumabi sa Daddy nila.

"Hindi ako pumasok sa Company. Dahil maghapon akong  nakipagkulitan sa mga Anak natin. OO nga pala si Shawn Skyler makulit na din. kapapalit ko lang sa kanya ng Diaper."

"Eh, ano naman ngayon? Kaya pala wala ka sa kumpanya kasi nandito ka lang sa bahay."

"Bakit na miss mo na ba ako?"kumindat pa sya sakin.

Inirapan ko sya. "Ang kapal mo! Nandito na ako umalis kana!"

"Mommy! Bakit nyo pinaalis si Daddy? Magkaaway ba kayo?"tanong ni Jhoace.

Nilingon ko si Jhoace. "Twin, may Trabaho kasi si Daddy."alibay ko.

"Liar ka Mommy! Sabi ni Daddy galit ka daw sa kanya kaya ayaw mo syang makita."sabat ni John Ace.

Tinitigan ko ng masama si Frits. Ang abno naghanap ng kakampi. Grrr! "Hindi naman twin. Kaya lang...."

"Babies Aalis na si Daddy. Next week na lang ako babalik." Tumayo si Frits para umalis.

Humabol si Jhoace at John Ace. "Daddy! Wag kang umalis!" Umiiyak na sabi ni Jhoace.

"Mommy do something! Wag mong paalisin si Daddy!" Ani John Ace.

Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang Nararamdaman kong inis kay Frits. Sinadya nyang gawin ito para hindi ako makatanggi. Dahil kapag hindi ko sya pinigilan ako ang magiging masama sa kambal naming anak. Tumayo ako at lumapit kay Frits. Hinila ko ang kamay nya. "Babies, mag uusap lang kami ng Daddy nyo ha!"sabi ko sa kambal kong Anak.

Hinila ko sya patungo sa loob ng silid namin upang hindi marinig ng mga bata ang pag aaway namin.

"I miss this Room!" Ani Frits. Humiga pa ito sa malambot ng Kama namin. "Pero mas maganda  ang Kwarto natin sa Bahay Wife ko.."sabi pa nya.

Lumapit ako sa kanya at inis na inis kong kinuwelyuhan sya at. Tinitigan ko sya. "Anong paninirang sinabi mo sa mga bata? Tell me!"pasigaw kong sabi sa kanya.

Pero imbes na magalit sya sakin. Kinindatan pa nya ako. Nakakainis! habang ako galit na galit sya parang wala lang. Urgh!
"Hindi kita siniraan sa kanila. Sinabi ko lang ang totoo na galit ka sakin."

"BAKIT MO SINABI? PROBLEMA NATING DALAWA ITO!"Mariin kong sabi sa kanya.

Sinalubong nya ako ng tingin. "Ally...Paano ko gagawin yon? Sabihin mo nga! Ayaw no akong makausap. O kahit makita!"

Binitiwan ko sya at nanatili akong nakatitig sa kanya. naantig tuloy ang puso ko nang makita ko syang umiiyak. Lumapit sya sakin na halos isang Dangkal ang pagitan namin. Naamoy ko tuloy  ang hininga nya. "Ally... sana naman patawarin mo na ako. Alam kong nasaktan kita sa mga sinabi ko. pinagsisihan ko yun. Please! gagawin ko ang lahat tulad noon. Hindi  na ako bibitaw Wife ko."

"Nakakaalala kana?"

Tumango sya sakin. "Napanaginipan ko ang Pangyayari  noong iniligtas ka namin at si Baby bunso. Alam ko na ang lahat. . Naalala ko ang lahat. Mula ngayon hindi na ako magseselos kay Terrence dahil alam ko na ang totoo!"

"Pero huli na Frits. Pagod na akong pakisamahan ka! Pagod na ako sa pagseselos mo! pagod na ako sa mga babaeng habol ng habol sayo pagod na akong maging asawa ng isang Casanova. Ayoko na!" sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga salitang yon. Sa totoo lang hindi yon ang gusto kong sabihin. dahil hindi iyon ang gusto ng puso ko. Ngunit hindi ko na maaring bawiin dahil  sinabi ko na.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon