Special Chapter 5

149K 3.6K 177
                                    


Ally's POV

Suot ko ang Dati kong Uniform noong Maid pa ako ni Frits. Natutuwa naman ako ng kumasya parin iyon sakin kahit na nga may apat na anak na ako. hawak-hawak ko ang Lotion at Powder na gagamitin ko para i massage si Frits habang patungo ako sa silid niya.

"Ally!"

Huminto ako ng marinig ko ang pagtawag sakin sa pangalan ko. Si Dianne iyon  at napangiti ako ng makita ko ang suot niya. Dahil nakusot din siya ng pang Maid na Uniform. Nag out of town kasi kaming apat. Hindi namin dalawa maintindihan kung bakit kailangan pang lumayo para makabawi kami sa kasalanan namin sa asawa namin. Ang mag pinsan na si Frits at Coby ang nag isip nito.

"Bagay din pala sayo Girl, ang ganyang suot. Mukha ka paring Sosyal." Biro ko pa.

Sumimangot siya sakin. "Hay Naku! Nakakainis yang si Coby. gagawin akong Maid ngayon."

"Hayaan mo na Dianne. diba nga? May kasalan tayo sa mga asawa natin. Isipin mo na lang kung hindi sila dumating baka napahamak na tayo."

"Kahit na!"

"Eh, bakit ba? hindi mo sinabi kay Coby noon kung Saan ka pupunta? Ang alam ko kasi ako lang ang galit noon kay Frits."

"Naiinis kasi ako noon kay Coby. Dahil hindi man lang siya umuwi ng bahay. Nagluto ako ng masasarap na pagkain dahil Anniversary namin. kaya nagtampo ako  hindi ko sinabi sa kanya na mag Bar tayo. Hindi ko naman alam na may Gagawin pa lang siyang surprise sakin."

Bigla naman akong kinilig sa sinabi ni Dianne. Ganon kasi si Frits. Palaging may surprise sakin. Kinikilig tuloy ako kapag naalala ko.

"Anong nginingiti mo dyan Allyson?baliw ka na ba?"

Inirapan ko siya. "Nakangiti lang mag isa baliw na agad? May iniisip lang ako Girl. Oh! Sige na sundin mo na si Coby at pupuntahan ko na ang asawa ko."

"Saglit lang Allyson!"

"Huh?bakit?"

lumapit siya sakin tapos bumulong. "Girl, baka pasayawin ka ni Frits sa loob. Narinig ko kasi sa mag pinsan ang pinag uusapan nila kanina."

"Ah, ganon ba?"

"Hindi ka ba natatakot pasayawin?pagigilingin ka ng asawa mo."

Ngumiti ako."Chicken lang yon sakin. Isa pa mas mahirap ang mag labor kesa gumiling sa harap ni Frits." Sabay kindat ko. Pagkatapos nagtungo na ako patungo sa silid.

Dahan-dahan kong binuksan ang silid namin ni Frits. Nakita ko siyang nakadapa sa kama at tanging boxer short lang ang suot niya. Napalunok ako ng makita ko siya sa ganong Ayos. bakit ba ang Hot niya.

"My Cinderella. Come here!" sabi niya ng Makita niya akong nakatayo.

Cinderella?bigla ko na namang naalala noon. Cinderella kasi ang tawag niya sakin noong Ako ang Personal Maid niya. nakangiti akong lumapit sa kanya. "Bakit po Young Master?"

Bumangon siya at umupo sa kama pagkatapos pinagmasdan niya ang kabuuan ko. Nakangiti siya habang sinusuri niya ako. Thumbs up ang Adrenalin ko sayo Cinderella ko."

"Ano bang maipaglilingkod ko sayo Young Master?" Yumuko pa ako sa kanya.

"I massage mo ako."

Inangat ko ang hawak ko. "Powder or Lotion?"

"None of the Obove." Nakangiti niyang sagot.

"Akala ko ba mag papamassage ka?"

"Yap!"

"Oh, Bakit none of the Above?"

"Pinapipili mo kasi ako eh, Kaya None of the above kasi wala ka sa pagpipilian." Sabay kindat niya sakin.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon