chapter 137

181K 4.3K 307
                                    


Ally's POV

Pilit kong iminulat ang mga mata ko. Dahil nakakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko. Umikot ako ng higa habang ang mga mata ko ay hirap na hirap na dumilat dahil sa sobrang antok. Napuyat kasi ako kagabi. At habang iniisip ko ang kilig ng nangyari samin ni Frits. Pakiramdam ko nabubuhay ang dugo ko.

"Goodmorning Wife ko.."

"Goodmorning husbie ko." Nakangiti kong tugon.  Ngunit saglit akong napahinto. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita kong kaharap ko sa higaaan. Mabilis akong napabalikwas ng tayo. Habang gulong-gulo ang isip ko. "A-anong G-ginagawa M-mo dito?"natataranta kong tanong.

Sa halip na sagutin nya ako. Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa habang nakangiti sakin. hinila ko ang kumot at tinakip ko sa buong katawan ko. Manipis kasi ng suot kong pantulog at kitang-kita ko ang nasa loob nito. "P-paano ka nakarating dito ha!" Ulit ko pa habang hindi ko malaman ang gagawin ko sa pagkabigla ko.

Muli itong humiga sa kama. "Dinala mo ako dito kagabi." Sagot nya.

Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya. Paano ko naman gagawin yon? Sa laki ng katawan nya. Madadala ko ba sya. Ang kapal talaga ng husbie ko.

"Wag mo nga akong niloloko! Bakit ka nandito sa silid ko?"ulit ko sa kanya.

Tumagilid si frits sa pagkakahiga at tumingin sakin. "Nilasing mo ako kagabi. Yon pala ang plano mo. Kaya ka nag surprise Date sakin. lalasingin mo ako dito.. tapos——?"pinutol nya ang kasunod na sasabihin nya at ngumisi sya sakin.

"Tapos ANO?"ulit ko.

Tumayo si Frits at lumapit sakin habang hindi nya inaalis ang tingin sakin. Yumuko sya upang magpantay kami at inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko. "Tapos.. pinagsamantalahan mo ako!"bulong nya sakin.

Pakiramdam ko hindi lang mukha ko ang namumula sa pati ang buo ko yatang katawan namumula dahil sa sinabi nya sakin. kahit anong isip ko wala akong matandaan sa pinagsasabi ni frits. "Psh! Ang yabang mo naman! Gagahasain kita? ASA ka!" Inis kong sagot.

umikot si frits at bumungisngis sya sakin. Ako naman mas lalong nainis. Jusko ko! Kahit nga noong patay na patay ako sa kanya dati hindi ko sya tinangkang gahasain sya. Ngayon pa kayang may tatlo na kaming anak. "Anong nakakatawa?"inis kong sagot.

"Natatawa kasi ako sayo. Dahil hindi mo man lang maalala ang ginawa mo sakin kagabi. Ang lakas-lakas mo kagabi. Hindi ako makapalag. wala akong nagawa kundi ang umiyak at hayaan  ka sa ginagawa mo sakin." Sabi nya sa malungkot na boses.

Gustong-gusto ko syang batuhin sa mga pinagsasabi nya sakin. Nakakainis! Kung ano-anong kwento ang sinasabi. Grrr!!

Huminga ako ng Malalim upang pigilan ang nararamdaman kong inis sa kanya. Tiningnan ko sya. "Ewan ko sayo!"sabay talikod ko.

Hinila nya ang braso ko dahilan para mapasubsob ako sa Dibdib nya. Nagkatitigan kaming dalawa. "Nakaka-inlove ka talaga Wife ko.."sabi nya habang nakatitig sya sakin.

"See? Eh, di inamin mo din. Sinadya mong pumasok sa  silid ko binabaliktad mo pa ako ha!" Bumangon ako mula sa pagkakasubsob ko sa kanya.

"Sinasagot na kita Allyson."

Huminto ako at muli ko syang tinitigan."Anong sabi mo?"

"Aish! Unli ka talaga noh! Sabi ko sinasagot na kita. Tayo na! Diba? nanliligaw ka sakin. Kaya sinasagot na kita."

Pakiramdam ko nagsitaasan ang buhok sa Sobrang lakas ng hangin ni Frits. Ako pa talaga ang sinasagot nya. Kainis! may amnesia na nga Ang Yabang parin. Grrr! "Pwede ba? Wag kang feelingero noh! Hindi kita type."sagot ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon